CHAPTER 7 - PREPARATIONS

2.8K 107 6
                                    

AMARA

Tulala akong nakasilip sa bintana ng kwarto. Mag gagabi na at ilang araw na ang lumipas matapos ng naging pag-uusap namin ni Nikkolai. I abruptly made a decision. Hindi ko masyadong napag-isipan ng mabuti.

Pero kahit gaano ko pa katagal na pag-isipan, mananatili ang katotohanang hawak ako ng kaaway. Nikkolai's a part of ORION.

Ang ORION ang pinakamalakas na kalaban ng OMEGA. These two organizations have different views and stand whenever they do missions. Masyadong dikit sa batas at maraming galamay ang nakokontrol ng ORION. While the OMEGA, we have connections too yet there are times that those connections will easily be snatched by ORION.

Kung tutuusin, mas matinong organisasyon ang kinabibilangan ni Nikkolai. I have been spying it for two consecutive years and the agents are all protected by the org.

It was against their policy to leave an agent unguarded. Hindi lang sa tuwing kikilos sa mga missions, kundi maging ang pagkakaroon ng normal na katauhan sa labas ng headquarters. Their org made sure that their agents are always safe.

ORION gave equal rights to all their members.

Maganda ang naging samahan at matibay ang pundasyon nila kaya maliit na porsyento lang ang bilang ng failed missions nila.

The OMEGA do offered their agents benefits. But the moment they thought of someone blocking their ways, hindi sila magdadalawang isip na kitilin ang buhay ng agent na iyon.

My mind suddenly wandered to my friend, Reed.

I don't want to think negatively about Reed's life. This is all my fault. Because of my carelessness, I lost a friend.

Mabilis kong pinalis sa pisngi ang luhang nakatakas. Kailangan kong maging matatag. Kailangan kong magpalakas para makapaghiganti.

What I'm doing right now will avenge Reed's and my parents' death. Darating ang panahong mapapasakamay ko ang hustisya para sa kanila.

"Madame?"

Nilingon ko ang nagsalita. It was Martha on the door. Inayos ko agad ang sarili ko.

"Good evening, Martha," I smiled.

Ngayong gabi, darating ang attorney ni Nikkolai. He mentioned that we will discussed all the necessary actions to fulfill the last will and testament of his father.

Bagamat hindi ko na masyadong inisip ang mga bagay na maaari naming gawin, I will take a risk and trust Nikkolai na hindi niya ako ipapahamak.

I just hope I'm making the right decision here.

"Your Highness is here. He will escort you to the study room," sabi ni Martha habang nasa likod niya ay si Nikkolai.

"Are you ready?" tanong ng lalaki nang pumasok sa loob ng kwarto.

Tipid na ngumiti ako at tumango. Hindi na inisip kung gaano nakadagdag sa kakisigan ang grey suit na suot niya ngayong gabi.

Iminuwestra niya ang kanang braso niya na agad ko namang hinawakan. He placed his left palm on top of mine and guided me out the room like every gentleman would do.

Ito ang unang pagkakataong makikita ko ang labas ng kwarto. Like I said, hinahatid ang lahat ng pangangailangan ko rito sa loob. Martha took care of me every time I need something and I owe her a thanks.

Nagpaalam si Martha na may aasikasuhin. Naiwan kaming dalawa ni Nikkolai sa kahabaan ng pasilyo ng isang lumang palasyo.

The palace looked like it lasted for many generations based on its old designs. But even of its age, the architecture and its foundations remained strong.

The Billionaire's Wicked Scars | RBS 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon