CHAPTER 38 - HOPE

2.1K 79 4
                                    

AMARA

Tulala ako habang tinatapos kainin ang pagkaing hinatid sa akin. Tahimik na nagmamasid lang sa akin si Yllena matapos siyang tawagin ni Daniel para bantayan ko.

Halong gulat at pagkalito ang tumatakbo sa isipan ko. Hindi ako makapaniwalang napakagulo ng landas na pinasok ko.

I am married to the man who bores the family name of those who's filled with so much greed in their blood, the same greed that manipulated them to create feuds with other people. And with that feud, my parents died.

Sa dami ng isiniwalat sa akin ni Daniel, puno ng kasamaan ang pamilyang iyon. Lalo na ang tatlong lalaking ipinakilala sa akin ni Nikkolai bago kami ikinasal.

Demitri, Christos, and Irkan Galanis. The so-called gods of the Underground. The one they called lords, reigning on their seats with the crown of bloody greed on their heads. Conquering every human who happens to have power in their hands. They wanted it, and they got it.

Sa henerasyon pa lang ng tatlong Galanis na iyon, iba't-ibang tao na ang inapakan at pinatay nila makuha lang ang kayamanan at kapangyarihang hinahangad. Kinatatakutan at nirerespeto, lalong lalo na ang mismong lolo ni Nikkolai... si Demitri.

That old man has managed to strip off Moretti's legacy and wealth before. Because of that, Realandro Moretti, who happens to be Rafaelle's father, was blackmailed to kill Daniel and Verona's son.

Matagal na palang naitadhanang ipakasal si Verona sa ama ni Nikkolai. Hindi iyon alam ng babae dahil inilihim iyon ng kanyang pamilya. Wala siyang alam kaya akala nito ay ayos lang na makipagrelasyon kay Daniel.

The two loved each other so much and it resulted to a healthy baby angel.

Katulad ng ginawa sa akin bago ako ikasal kay Nikkolai, lahat ng babaeng ikakasal sa kahit na sinong Galanis ay kailangang dumaan sa isang matinding pagsusuri ng mga doktor. Noong una akala ko ay nag-iingat lang sila at baka may nakahahawa akong sakit, o kung ano man, iyon pala ay inaalam nila kung virgin pa ba ang magiging bride o hindi.

Sa kaso ng ina ni Nikkolai, nagbuntis ito kay Daniel bago pa malamang kailangang magpakasal ng babae kay Copernic Galanis. Ipinaglaban nila ang anak nila at ang pamilyang bubuoin palang sana, ngunit agad na kumilos ang mga Galanis.

Ipinakuha si Verona at marahas na pinatay ang kanyang anak. Si Daniel din ay binalak na ipapatay ngunit hindi sila nagtagumpay. They threw his bruised body in a river and it was a miracle that some good old couple saw him and took care of him for years.

He had revenge after some time and managed to get Verona again from the Galanis. Kasama niyon ay ang kapatid ni Nikkolai na si Veronica.

Naalala kong minaltrato at inabuso si Veronica sa ilalim ng "pangangalaga" ni Daniel. Hindi iyon inilihim sa akin ng lalaki nang ikinuwento ang lahat. He was also diagnosed with a mental disorder and stayed in a psychiatric hospital for years until he was cured.

Sa kuwentong ito, pamilya pa lang ng mga Varoni ang inapakan sa lupa ng mga Galanis. Iba pa ang kaso ng mga Morgan.

Nasabi din sa akin ng lalaki na maaaring matagal nang may alitan ang dalawang panig at umabot iyon sa ilang henerasyon. Maraming tao ang nadamay at isa na doon ang mga magulang ko.

Ang mga Morgan ang nagpapatay sa kanila. Dahil doon, nagkaroon ako ng matinding kagustuhang sumang-ayon kay Daniel.

"Isang paraan para mas malinawan sa nakaraan, kailangan nating alamin ang rason ng Morgan na iyon kung bakit gayon na lang ang kagustuhan niyang mapasakamay ang passcode ng mga Galanis."

The Billionaire's Wicked Scars | RBS 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon