CHAPTER 19 - SEARCH

3.7K 127 6
                                        

AMARA

Dalawang oras.

Dalawang oras kaming nakikinig mula sa labas ng interrogation room kung nasaan sila Edward at Charles na kasalukuyang pinauulanan ng mga tanong ni Helion tungkol sa Villa Estrevina habang si Farrei naman ay tahimik na nagmamasid doon at paminsan-minsa'y nagta-type sa holographic keyboard ng sinasabi nila.

"Wala talaga kaming alam. Isang taon palang kaming naninirahan doon at isang normal na village lang talaga iyon," puno ng takot nas sagot ni Edward na ilang beses na naming naririnig.

Pareho sila ni Charles na nagsasabing walang alam. Hindi kaya masyado lang namin silang idinidiin at talaga nga namang wala silang alam? Pero kung pagmamasdang maigi...

"Maybe they don't really know?" nilingon ko si Nikkolai na nasa tabi ko at mataman ding nakikinig. His brows furrowed and fixed his eyes to the interrogation room.

"Maybe they don't, maybe they do. They kept on saying the same thing like a broken record."

Iyon nga rin ang iniisip ko. Sa nagdaang dalawang oras, walang nagkakaiba sa mga sinasabi nilang mag-ama. It's like they memorized a script. Mahahalata mo kapag nagsasalita sila, alam mong iyon na ang nakatatak sa dila nila. They'll repeat it over and over again the exact same phrase.

"If you want to see your wife, you will cooperate. Who's the businessman?" ulit na tanong ni Helion.

"Wala kaming alam kung sino ang taong iyon!"

"Okay," nakita naming tumayo si Helion at sumunod si Farrei.

"You will be staying here until the case is over."

Lumabas sila mula sa room. Naiwan ang mag-ama sa loob at dito muna sila sa custody ng ORION. Sa laki ng basement, may mga rooms din na reserved for investigation. Doon mananatili pansamantala ang mga taong under investigation ng mga agents. Sa ngayon, mukhang wala kaming makukuha sa kanilang dalawa.

I'll give them the benefit of the doubt, for now. I'll try to believe what they're saying is the truth. Kung wala silang alam, no, let's change that, kung ayaw nilang umamin, wala silang sasabihin.

Kasalukuyan kaming nasa isang meeting room. May mga agents na nagdala kay Edward at Charles sa mga kwartong para sa kanila. They will be blindfolded so that they will not see everything in this building.

Nilapag ni Marco ang tablet sa gitna at may tinype na kung anong keys. Mula sa screen nito ay nag flash ang isang 3D holographic screen na nagdidisplay ng isang map. There's a red blinking dot in the middle of it.

"I already tracked the other end of the call. The caller is located near the harbor. Nasa isang yate ang tumawag."

Tahimik na nakatitig sa hologram ang lahat. The screen now projected five pictures of the yacht. Nakaflash din ang pangalan ng yate - Krusher. Saglit na nanliit ang mga mata ko nang makita ang mga litrato. Parang... Nakita ko na ito noon o kamukha lang?

"The Krusher was owned by a former senator, now a businessman named Winston Morgan," Marco informed.

"Morgan, you say? Can you track his relatives?" seryosong tanong ni Nikkolai.

Tumingin kaming lahat sa kanya. Gusto kong malaman kung ano ang tumatakbo sa isip niya at parang nagiging pamilyar sa kanya ang taong hinahanap namin.

The Billionaire's Wicked Scars | RBS 3Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon