We all stood in a defensive agreement. Para kaming nagkaintindihang lahat nang makita ang dalawang Galanis kasama ng abogado. Nakakalat sa mahabang lamesa nito ang napakaraming papeles at mga libro. Natigil sa pag-aayos si attorney Davinti nang makita kaming lahat na pumasok ng pintuan.
"You can all take a seat here..." Sinundan namin ang maid at umupo sa mga sofa sa isang gilid ng kwarto.
The place seems to be like a library. The only difference is that the books here aren't the usual books to be seen in a library. Everything is written in Greek and I can't understand anything. All books are with a seal of the Galanis. What is this place?
Nikkolai hesitantly sat beside me, his eyes never leaving his grandfather's. The others took their own seats on the couches. Tahimik at nagmamatyag sa dalawang nagpapalitan ng mabagsik na tingin.
"What are you doing here, my lord?" Ani Nikkolai sa kanyang lolo. Bakas ang hindi kasiguraduhan sa kanyang boses ngunit nandoon parin ang paggalang nito sa matanda.
I remained silent. Napipi ako sa puwesto ko dahil sa kabog ng dibdib ko. Kung ano-anong masasamang ideya ang pumapasok sa akin sa tuwing nagtatama ang mga mata namin ng isa pang matandang Galanis.
These are the legendary men, cruel and wicked men of the Galanis. The family which my husband belongs to. And the name I have now on mine.
"You don't have to worry about my presence here, my dear Nikkolai." Pagak na tumawa ang matanda at nilingon ang abogado na hindi alam ang gagawin dahil napagigitnaan ni Demitri at Irkan Galanis.
Attorney Davinti seems to be confused in something. Palipat-lipat ang tingin nito kay Nikkolai at kay Demitri. I can sense that he's having an argument with himself silently. Kung ano man ang ginagawa rito ng dalawang Galanis na ito, nakararamdam akong hindi maganda ang dahilan nila.
I hitched my breath when Irkan's cold and dark eyes met mine. Nilingon nito ang mga kasama namin bago muling binaling sa akin ang atensyon. Tinawag nito ang maid, nanatiling sa akin ang tingin.
"Tell the others that they're not allowed to be here. This is exclusively for the family only. Guide them out." Utos nitong parang hari. Naikuyom ko ang kamao ko.
Tumango ang maid at sinunod ang sinabi nito. Isa-isa nitong pinakiusapan sila Farrei, Daniel, Zekiah, Marco, Nate, at Helion na lumabas. Walang nagawa ang iba kundi ang sumunod.
"Call us when needed. We'll wait outside." Sabi ni Daniel bago lumabas.
Nang maiwan kaming lima sa loob, binalot ng matinding katahimikan ang kwarto. Kabado kong pinakikiramdaman ang mangyayari. Hindi ko gusto ang takbo ng isip at dibdib ko nang magsimulang lumakad patungo sa direksyon namin si Irkan Galanis.
Humigpit ang kapit ko kay Nikkolai. Naramdaman niya iyon kaya mas hinapit niya ako sa tabi niya.
Irkan Galanis sat at the couch in front of us. Bakas na sa mukha nito ang matinding katandaan at mukhang ito ang pinakamatanda sa tatlo. His aura reeks of wickedness. I'm quickly judging him by how sharp his eyes roamed on my face, like he's memorizing my features.
"You're eyes are your mother's. I can still remember that amazing woman." He uttered from his seat. His eyes never leaving mine.
Bigla akong nakaramdam ng matinding kagustuhang magtanong sa kanya. Bagamat hindi ko pa matukoy ang pakay nila dito, alam ko nang tungkol sa kayamanan iyon at wala nang iba pa.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Wicked Scars | RBS 3
RomanceRuthless Billionaire Series 3: "Are you bored? Do you want me to entertain you?" he whispered as he trailed his lips on her body. Living in the shadows was never easy for Amara. As an agent, Amara's identity is hidden to the world. But things chan...
