CHAPTER 5 - ZERO

3.2K 106 6
                                    

AMARA

Ilang araw ulit ang lumipas at mas nakakaya ko nang kumilos. My wounds are completely healed except sa part kung saan tinamaan ako ng laser security noong tumakas ako. It burned my skin kaya naman mukhang matagal pa na tuluyang gumaling ito.

Nakakatayo't lakad na din ako. Ilang beses kong sinubukang ikutin ang buong kwarto at masasabi kong napakalawak nito.

I am really living in one of the rooms of the richest empire in the world. Magagara ang mga gamit at wala ni isang furniture ang hindi covered ng scarlet red and gold linens. Even the posts have the Corinthian details.

The room is simply elegant. It speaks so much about the owner of the house. A royalty indeed.

I closed my eyes. Pilit na dinadama ko ang hangin mula sa teresa ng kwarto.

Floor to ceiling ang mga bintana. Sinubukan kong buksan ang mga iyon pero hindi ko magawa.

I observed some of its design and I assumed that it can be operated by a remote, button or something. Hindi ordinaryo ang kwartong ito. As an agent, I know what's ordinary or what.

Nitong mga nakaraang araw, ilang beses kong tiningnan ang mga sulok ng kwarto. There are some visible small cameras around the room.

May nakita pa ako sa isang bookshelve na biglaang kuminang nang masikatan ng araw. To my curiosity, nilapitan ko iyon to see an almost dot sized hidden camera.

I pretended na hindi ko iyon na kita at kumuha na lang ako ng isang libro. Pinilit kong magbasa sa kama ngunit umiikot ang mga mata ko.

I am being observed.

Could it be that he's watching me?

Iniisip niya kayang tatakas ako? Sa kalagayan kong ito, malabong magawa ko pa iyon. I am inside a room with a bunch of cameras around me. I am being watched. Who knows what other hidden things are here.

Nasa mataas na palapag ang teresa kung saan ako nakatayo. Ito lang yata ang pinakagusto kong puwesto sa buong kwarto. This feels so refreshing dahil may malawak na garden sa harap nito.

Most of the flowers there were different colors of roses. But what made the place beautiful is the big fountain in the middle. Its a sculpture of a knight with his horse. Sa palibot nito ay ang tubig na umaagos sa kung saan.

I heard some footsteps and faint noises. Napalingon ako sa baba ng teresa kung saan mayroong sementadong daan patungo sa paligid ng palasyo. May mga tauhang naglalakad hatak-hatak ang tatlong kabayo. Kasunod niyon ay si Nikkolai...

Simula nang gabing una naming pag-uusap, hindi ko na siya nakita pang dumalaw sa kwarto. Si Martha at ang doktor ang madalas ko nang makita dahil sila ang nag-aasikaso sa akin.

I hitched my breath when he suddenly looked up. Nagtama ang mga mata namin at saglit siyang napatigil sa paglalakad.

He's wearing a black and white equestrian attire. Fitted sa kanyang katawan ang tela at mas bumagay iyon sa suot niyang black boots.

Malamig ang mga tingin ang iginawad niya sa akin bago itinaas ng bahagya ang kanang kamay at saglit na kumaway. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya't itinaas ko nalang ang kamay kong nakahawak sa barandilya ng teresa.

I saw his side lip rose a bit as he continue walking to where the men with horses went.

Nakalayo na siya nang pakawalan ko ang hininga ko. His eyes were cold as ice. I should guard myself from this man. Hindi dapat ako magtitiwala kahit kanino.

"Madame?"

I heard Martha's voice. Agad akong pumasok sa loob ng kwarto at binuksan ang pintuan.

The Billionaire's Wicked Scars | RBS 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon