CHAPTER 41 - PAIN

2.1K 91 18
                                    

AMARA

My heart soaked in so much pain. Ilang araw akong nagkulong sa kwartong ibinigay sa akin ni Daniel sa kanyang mansyon. It's been four days since the incident happened in US. Nightmares visited me every time I think of the blood and bodies of Winston and Reed. Isama pa ang hindi inaasahang pangyayari.

Nang makalabas kami nang tuluyan sa building kasama ang lahat ng guests, every one panicked by the sudden announcement, na kailangan ngang paalisin lahat ng tao sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Christos Galanis was nowhere in the crowd. Seconds after, we witnessed the loud explosion of the whole event hall.

He died in the explosion and he's one of the three bodies that the authorities got from the hall. It's a suicide. And we know who're the remaining two.

That night has shocked me and Daniel. It was unexpected and never in his wildest plan that it will happen!

Kumalat sa iba't-ibang balita globally ang pangyayari pero hindi pinangalanan ang mga bangkay. It was said that the identities of the bodies were confidential from the media. And that's one of the reason why I can't have myself to sleep, no relax!

Winston's voice keeps on haunting me!

I don't want to think about everything he told me before he died. My father's a good man and he will not do such thing! But it's hard to convince myself because of the fact that Winston knew about Agent Seven, as well as my father's business escapades.

Mabuting tao ang papa ko.

Iyon ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko nitong mga nagdaang araw. Daniel tried to talk to me as well as Yllena, but I refused to see anyone right now. Masyadong mataas ang emosyon ko at anytime nararamdaman kong handa na akong sumabog sa sakit na nasa dibdib ko.

I stood from the bed, it was night again. Hindi na naman ako makakatulog sa dami ng iniisip kaya nagtungo ako sa balcony kung saan kita ang malawak na dagat.

Kasing dilim ng gabi ang tubig na humahaplos sa buhangin. Malamig ang hangin ngayong pero hindi ko yata iyon maramdaman ng lubusan. I want to go somewhere else. I want to escape this cruel world, and this cruel reality.

Ayaw kong paniwalaan ang sinabi ng lalaking iyon sa papa ko. Pero ano nga bang alam ko? Kahit saang anggulo ko tingnan, mas may alam pa ang ibang tao sa negosyong ginagawa ni papa kaysa sa sarili niyang anak. If what he said was the truth, then all was paid last night.

Hindi ako iyong tipo ng tao na naniniwala sa kasabihang "eye for an eye, tooth for a tooth," dahil hindi susi ang pagpatay para makapag hinganti. Who am I kidding? Iyon din ang pumasok sa isip ko nang aminin ni Winston na pinapatay niya ang mga magulang ko.

Bumagsak ang luhang tinitigan ko ang langit.

Bakit? Bakit mo nagawa iyon Papa? Why did you kill his family? His daughters? Hindi mo man lang ba naisip na may asawa at anak ka rin?

Is this the world you want me to live in? Ito ba ang magandang buhay na ipinangako mo sa akin noon? Kung ito nga, ayaw ko nito. Hindi ko gugustuhing mamuhay sa sakit at takot. Hindi ko gugustuhing kumilos sa gitna ng bala at dugo. Iyong hindi ako matatakot para sa kinabukasan at sarili kong buhay. Ito ba?

Ma, Pa, ayaw ko nito. Hindi ako masaya. Hinding-hindi na yata ako sasaya.

Binalot ko ang sarili ko ng yakap. Walang sino man ang makakapagpawala sa akin ng sakit na nararamdaman ko. I felt so betrayed by life. Betrayed by my very own parents.

Iniyak ko ang lahat ng natitirang luha sa mga mata ko nang gabing iyon. Wala na sa isipan ko ang oras dahil unti-unti kong nakikita ang pag-aagaw dilim at liwanag. Natawa ako sa sarili ko.

The Billionaire's Wicked Scars | RBS 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon