CHAPTER 18 - BUSINESS

2K 87 2
                                    

AMARA

Ilang minuto pa ang tinagal ng pagpapaputok ng mga armadong lalaki. Maging ang cctv cameras doon ay pinatamaan din. Kaya naman ngayon, hindi namin makita ang ginagawa nila sa loob.

"I hacked the neighbors' cameras near the Villaflors. Pumasok sila at mukhang may hinahanap," ani Marco nang makapasok kami sa abandonadong bahay gamit ang bintana sa likod.

"Can you get the plate numbers of those cars?" lumapit kami ni Nikkolai at tumingin sa tablets na hawak ni Marco.

May mga small lcd devices din siyang ginagamit at holographic keyboard. Sa tablet ay ang hacked cctv. May tatlong lalaki ang nasa labas ng gate. Ang iba'y pumasok.

"Yes sir. I already checked their plates and it seems like they're using fake plate numbers. Mga hindi nakaregister ang mga ito."

Marco typed some keys on his keyboard. Iba't ibang plate numbers ang lumalabas sa maliit na lcd at iniiscan lahat ng registered plates. Hindi namin inasahang may mangyayaring ganoon. It's a good thing that Nikkolai prepared a plan C which is the escape route. Pero ang kotse namin, nadamay din.

I looked throughly at the men. They're all wearing black suits. I don't think mga normal na tao lang 'tong mga ito.

Wait... There's something wrong.

"Nikkolai, why did the guards let them in? Mahigpit ang check point at for sure madedetect ng metal detectors ang malalaking armas nila. How come din na sa lakas ng pagpapaputok nila, wala man lang mga taong nagsilabasan or guards na rumesponde?" puno ng kuryosidad kong tanong.

Does that make sense? Malabong hindi marining ng mga guards ang mga putok ng baril. For fuck's sake hindi ordinaryong mga baril ang hawak nila!

"We're heading towards the basement. Charles need some medic." - Helion

"Good. Get as much information as you can from them. Hindi pa tapos ang imbestigasyon sa kanila and... You know what to do," sagot ni Nikkolai sa kabilang linya.

I can hear the wind from the other side. Mabilis ang pagpapatakbo ang ginagawa nila Helion at Farrei at mukhang pabalik na sila.

"The back up car's on its way." - Helion

"Who's the agent?"

"Nate Caswell." - Helion

Tumango si Nikkolai at muling kinausap si Helion tungkol sa kung saan padadaanin ang kotse. I'm assuming na iche-change route ni Nikkolai ang agent at hindi padadaanin sa front gate. It seems like there's another way.

Tumuwid ako sa pagkakatayo sa gilid ni Marco. Hindi ko alam kung gumana ang plano ko kanina habang ini-interview. Hindi rin ako sigurado kung napansin ni Nikkolai ang ginawa ko. Let's see. Agad kong tinanggal ang wrist watch ko at inikot ang bilog kung nasaan ang orasan. Bumukas ito at naglabas ng maliit na wire. Nadiscover ko 'to kanina lamang nang kumukuha ako ng gadgets.

"Try to connect this. Tingnan natin kung gumana ang audio device na iniwan ko roon. Maybe we can hear them and gather some clues."

Kinuha ni Marco ang wrist watch at kinabit ang small wire sa maliit na lcd niya. He pushed some keys and numerical codes at doon na-on ang audio device.

The Billionaire's Wicked Scars | RBS 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon