CHAPTER 49 - EVER

4.5K 121 7
                                        

AMARA

Everything that happened feels like riding the waves. I experienced being drowned, hit, and kissed by the ocean on that stormy night. Hindi ko talaga alam kung ano na ang mangyayari sa buhay ko noong araw na iyon. Sa isip ko, wala rin namang nagmamahal sa akin. My parents died in the most brutal way I have ever known. And escaping on that cliff is the only thing on my mind.

I never thought of my life thoroughly. Dahil sa matinding galit sa dibdib ko, nabulag ako sa mga taong nasa paligid ko at sa organisasyong minsan ko nang kinabibilangan. I let them used my abilities, I let them use my own hands to sabotage and destroy their enemies, never knowing that it is them, who the real enemy is.

For what feels like a never-ending running, I slowed my pace, seeing the dark road that leads to somewhere I don't know. I kept on running and running. At parang wala akong pinatutunguhan. Sinusundan ko lang ang madilim na kalsada at kahit ilang beses ko itong lakarin at takbuhin, wala itong katapusan.

Habang patuloy akong naglalakad, unti-unting nagliliwanag ang paligid ko. Nilingon ko ang kanang bahagi ng kalsada at doon, natagpuan ko ang dati naming bahay. Bahagya akong tumigil at pinagmasdan iyon.

Bukas ang ilaw mula sa loob ng maliit ngunit modernong disenyo ng bahay. Parang may sariling isip ang mga paa ko at dinala ako sa mismong pintuan niyon. Hindi ko alam kung anong gusto kong maramdaman sa dibdib ko. Natatakot na sa pagbukas ng pintuang ito, wala akong madadatnan. Walang naghihintay. Walang mga labing ngingiti sa pagpasok ko.

Marahang umangat ang kamay ko. Pinilit kong pigilan iyon pero mukhang hindi ko kontrolado ang katawan ko. Mahinang pagkatok ang ginawa nito. Pikit mata, kagat ang ibabang labi, takot sa kahihinatnan ng ginawa ko.

The door slowly opened, and I gaze my eyes at my father's familiar, warm, and deep eyes. Sa likod niya ay ang nakangiti, punong-puno ng pagmamahal na mukha ni mama. Agad kong naramdaman ang mabilis na pagragasa ng mga luha ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Without any words, I jumped into my father's arms. He lovingly wrapped his arms around me, like how he hugged me when I get afraid of some horror movies. Protecting and securing me.

"You're home, Amara..." mahinang bulong nito sa tuktok ng ulo ko.

I cried hard on his chest as I feel my mother's hand caressing my back. Hindi ko na napigilan ang matinding pagtulo ng luha ko habang yakap yakap ko si papa.

"Bakit kayo... umalis? Bakit niyo... ako iniwan?" puno ng hinanakit ang boses ko habang patuloy na umiiyak sa kanyang bisig.

"Bakit niyo ako iniwan ni mama?" I asked the familiar question that keeps ringing in my head.

Ngumiti silang dalawa sa akin at nagkatinginan bago ako inalalayan papasok ng bahay.

Kahit nanlalabo ang mga mata ko sa pag-iyak, hindi nakatakas sa paningin ko ang itsura ng bahay namin. It's exactly the same as before. Like nothing happened. Nothing happened...

Naroon parin ang lumang piano sa isang gilid. Kumpleto ang mga picture frames sa dingding. Ang mga medalya kong naka display kasama ang ilang mga tropeyong napanalunan ko noon. Walang nagbago.

They let me sit on our sofa. Tinabihan nila akong dalawa at pinagitnaan. Walang pigil ang luha ko kahit na pinupunasan na ito ni mama.

"Hindi kami umalis, Amara. Hindi ka namin iniwan." Puno ng pagmamahal niyang hinaplos niya ang magkabilang pisngi ko. Para akong bata na dinama ang haplos niyang iyon. Nangungulila sa mainit niyang mga kamay.

"I... I s-saw... y-your bodies... blood... on the floor..." The memories came rushing back. That cold day, this very floor, with their blood and bullets scattered... I started panicking.

The Billionaire's Wicked Scars | RBS 3Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon