Trial and Error

429 6 0
                                    

Bwisit namang to oh! Hanggang panaginip ba naman, si Polly pa din? Ano? Pero at least ngayon sa panaginip ko, nakayakap sya sa akin habang naka higa kami sa kama.

Pa bwisit bwisit pa ako, kala mo naman hindi ako nag eenjoy :/

Pinipilit kong makatulog lalo. Nag babaka sakali na maka pasok sa world ng inception. Kung saan pwede ko syang controlin na mahalin din ako.

Hay! Ganito na ba ako kadesperado?

-

Nagising ako na mabigat ang pakiramdam. Hindi ko alam kung dahil ba sa mga iniisip ko kagabi pa o dahil sa kamay at paa na naka dagan sa katawan ko?

Pinilit kong humarap at nakita ko na natutulog si Polly sa tabi ko.

So hindi ako nanaginip kagabi? Katabi ko talaga siya?

Iniaangat ko ang kamay ko para magising ako.


Ella: Oh, wag mo ng saktan ang sarili mo besh! Totoo yan. Hintayin mo na lang magising yan. Mag papasa lang kami.
Den: Okay sige besh. Ingat ka.

Lumabas na si Ella. Wala na din si Aly at bea sa kama nila siguro umalis din.  Ako at si Polly na lang ang naiwan dito sa kwarto. Si Polly na tulog at naka tshirt at boxers lang. Si Polly na naka yakap sa akin.

Tumagilid ako ng higa at humarap sa kanya. I slowly trace her face with my fingers. Taking extra caution because I don’t want her to wake up. Baka kasi kapag gumising siya ay umalis na agad siya. At least pag tulog sya, dito lang siya tabi ko habang naka yakap siya sa akin.

Ang bilis ng pangyayari na to. Parang kailan lang, isa lang siyang boses na narinig ko sa CR nung Unigmes. Sino ba namang mag aakala na ngayon eh mahal ko na siya?

Aabutin ko sana yung phone ko na nasa sidetable pero ang kamay nya na nasa bewang ko kanina ay nasa pwet ko na kaya naman hindi na ako gumalaw pa. Malamang kulay kamatis na naman ako dahil sa pwesto namin ngayon. Hindi ko alam kung bakit hindi ko mailipat yung kamay nya pabalik sa bewang ko. Mabigat? Oo mabigat pero masarap. Hindi masarap katulad ng iniisip nyo. Masarap kasi nakayakap siya sa akin. Ayaw ko talaga siyang magising agad.

Hinawakan ko ulit ang mukha nya. Pinipigilan ang sarili ko na wag pisilin ang cheeks nya. Dahandahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Kahit ngayon na lang ulit, Gusto ko siyang ikiss. Nang lumapat ang lips ko sa lips nya, naramdaman ko agad ang init nya. Gusto ko sanang mas matagal pa pero bigla siyang nag mulat ng mata.

Pag ka mulat nya ay nilayo nya ang mukha niya sa akin.

Hala? Ang creepy ko ba? Nag te-take advantage ako sa kanya kapag tulog siya? Nakakahiya.

You arrowed your way to the eagle's heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon