Champion

344 5 0
                                    

Natapos ang ilang buwan at eto kami ngayon sa MOA arena. Kakatapos lang ng finals.

Bumubuhos ang confetti kasabay ng pag tulo ng luha namin.

Natalo na naman kami sa rival school namin na DLSU.

Naiiyak ako dahil nabigo kami na bigyan ng championship ang school namin at ang Fab 5.

Aly: Ibabawi namin kayo. Gagawin namin ang lahat para mapa sa atin yan next year. Mag cha-champion tayo!

Dzi: Wag nyo silang papabayaan Aly ha! Kayo na nila Den ang bahala sa team.

Fille: wag nyo masyadong papasakitin ang ulo ng bagong coach nyo ah!

Gretchen: Ga-graduate lang kami pero andito pa din kami para sa inyo.

Jem: full support pa din kami sa inyo.

A: kahit ano pa yan malalapitan nyo kami.

Lalo kaming naiyak sa mga sinasabi nila. Last game na din kasi ito ng Fab 5. Tapos nag resign pa kasi si Coach Roger sa Ateneo kaya papalitan na sya ng bagong coach.

Nakita ko naman si Polly na nag lalakad papasok ng court kasama yung brother ng DLSU.

Binabati nila yung mga taga DLSU.

Yapos yapos nila si Polly. Nag bow naman sila Mika kay Polly.

Nag papa picture sila ngayon kasama siya.

-

Iniinterview naman ngayon ang Fab 5 habang kino-congratulate namin yung mga taga DLSU. Friends pa din naman kami despite the rivalry.

Di ko na nakita si Polly simula nung nag pa picture sila.

Den: Congrats Mikang!

Mika: Thank you! Congrats Den!

Mel: nakita mo na ba si Supremo, Den?

Den: Ah kanina. Bigla naman syang nawala.

Mel: Babalik din yun agad.

Pinakinggan naman namin yung interview nung courtside reporter sa Fab 5, Gumabao at kay Tiu.

CSR: Kayo naman Fab 5? May mga tao ba na malaki ang factor sa last season nyo as a UAAP player?

Gretchen: Oo naman. Isa na dito yung mga taong walang sawa sa pag suporta sa Ateneo Lady Eagles.

Dzi: Tama! Sila na kahit manalo or matalo, anjan para sa team namin.

Jem: Sana kahit wala na kami, kasama pa din namin kayo sa pag suporta sa team namin.

Fille: Syempre sa family namin na laging andyan.

Nag sigawan naman ang mga tao.

Nakita ko naman na pumapasok yung mga Ninjas dito sa court. Lahat sila may dala-dalang flowers, teddy bear at chocolate. Ninjas na mga taga DLSU yung nag bigay sa team namin at mga taga ADMU naman sa team ng DLSU. Nakita ko naman si Polly na pumapalakpak sa tabi.

sobrang bait at sweet talaga ni Polly. Sobra!

A: At sa isang tao na sobrang halaga sa team namin ngayon. Mahal na mahal siya ng team namin. Kahit itanong niyo pa kay Coach Roger.

Fille: Sya yung tao na, kapag kailangan mo ng tulong sa kahit anong bagay, kahit gaano pa kadami ang ginagawa niya, pupuntahan at pupuntahan ka nya.

Gretch: Siya yung tipo na ibibigay lahat sayo, mapasaya ka lang. Kahit magutom na sya, wag lang ikaw.

Lahat naman ng tao napa awwwww.

You arrowed your way to the eagle's heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon