Ikaw?!?!

389 6 0
                                    

Thursday ngayon at andito na naman kami sa Plato. Naging habit na ata namin ang pag punta ng Taft at tumambay dito tapos sa bahouse na ang tulog namin.

Ngayong gabi, tambay lang kami dito sa plato. Yung iba, nag kwekwentuhan lang. Sila Mona, hindi naka tiis at uminom pa din kahit isang beer lang. Hahaha

Sila Polly naman nag pu-pusoy dos. Kalaban nya si Ella, Dzi at Gretch. Tapos kami naman nila Mae, Sarah, Amy, Aly nag lalaro ng bobo games. Ay! Kasali din pala sa amin si Polly. Multitasking na naman ang drama ng lola mo.

Sarah: osige, color na nag sstart sa C. Copper

Aly: cream

Amy: cinnamon

Den: Cyan

Polly: Chartreuse

Ano daw?

Mae: hoy ple. Color daw na nag sstart sa C.

Polly: yeah I heard. Kaya nga chartreuse

Aly: anong color yun? Hahaha!

Ella: haynako. Kung ako sa inyo, ise-search ko muna. Baka niloloko kayo nito. Hahaha!

Polly: uyy di ah. Search nyo pero sige bigay ako ng iba pa. Uhm, celadon.

Sinearch namin sa google yung mga pinag sasabi ni Polly. At as usal, tama nga sya. Hahahaha!!!

Sarah: ay... Tama nga?

Mae: edi syempre, wala na akong alam na color diba? Hahaha!

Polly: told you guys. Hahaha. Wait tops. I have three kings and a pair of fives. Hahaha!

-------------

Wala na kaming ginagawa kaya naki nood na lang kami ng pusoy dos. Nag che-change the loser naman kami kasi apatan lang yung game.

Turn ko na. Although hindi naman talaga ako marunong. Hahaha! Tinuturuan lang ako ni Polly. Haha.

Malas lang kasi ang pangit ng cards ko. Pinaka mataas na ang king na hearts. Tinawanan naman ako ni Polly.

Den: baliw ka.

Polly: wag na tayo umasa Den.

Den: kaya pa yan!

Fille: hay! Wag na nga kasing ilaban kung sa huli alam mo namang talo ka

Gretch: eh pano mo malalaman kung hindi mo susubukan?

Den: oo nga! Malay mo mag work? Pano kung mag work? Edi in your face! Hahaha!!

Dzi: ay palaban!

A: hindi susukuan!! Haha!

Ella: wait, yung cards pa ba ni Den ang pinag uusapan natin?

Napatigil naman kaming lahat at napa tingin kay Ella. Tumawa naman kami.

Polly: what? Meron pa bang iba?

Dzi: wit bebe. Turuan mo na lang yang si Den.

At ganun na nga. Tinuruan ako ni Polly. Pero talo talaga kami.

Gretch: Masakit ba?
Den: Alin?
Gretch: Yung pinag laban mo tapos sa huli, baliwala lahat. Ginawa mo na lahat pero talo ka pa din?
Den: Well, atleast no regrets sa part ko. I did my best
Ella: But I guess my best wasn't good enough?
Polly: Corny mo Kups! Hahaha!
Jem: Wait. Punta lang ako sa labas. Andun daw sila Ivan, hindi maka pasok.
Polly: Why daw?
Jem: Takot sa FG. Hehehez
Polly: Ay talaga? Why naman? Papasukin mo ate.
Jem: Sige. Sunduin ko lang.

Lumapit naman samin sila Tash.

Tash: di ka ba talaga iinom ple?
Polly: hmm... why?
Mona: wala naman. Hahaha!
Polly: I can drink 1 or 2 naman siguro. Pero tanong nyo sa manager ko. Hahaha
Job: sige. Go lang.
Tash: oh ayan na. Payag na si Madam Job ha? Hahaha!

You arrowed your way to the eagle's heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon