EnYu

550 4 0
                                    

Thursday ngayon at may game kami against NU.

11 am pa lang at kagagaling ko lang sa mga prof ko para iconfirm nga na pinayagan nila ako hindi pumasok ngayon. I mean, may form naman akong pinapirmahan sa kanila pero mas maganda na din yung mas clear diba?

Ngayon, mag isa akong nag lalakad pa balik ng dorm. 12:30 pa kasi yung alis namin papuntang San Juan Arena.

Nakakatuwa na 4-0 na ang standing namin. Ibig sabihin, effective at naiiapply namin ang mga ginagawa namin sa training.

Pag pasok ko ng dorm, nakita ko na naka bukas yung door ng ref kaya hindi ko makita kung sino yung taong yun. Dumerecho na lang ako sa sofa kasi andun sila Aly.

Fille: Pero mas malakas sila next year!

Bea: Oo. Nasa kanila na nga pala si Dindin.

Aly: Okay yan! Lalaro pa naman kayo next year diba?

Gretch: Oo naman! Pwede ba namang iwan namin kayo? Haha!

Amy: Ahh! I can't wait to play!!

Dzi: Pero kelangan mag tuloy tuloy ang streak natin!

Mona: Mejo mahihirapan lang talaga tayo sa La Salle.

A: Given na yun. Pero fight pa din!

Tash: Nafe-feel ko na e! Ateneo - La Salle yan sa finals!

Den: Ahhhh! I can feel the rivalry!

Nag kunwari akong suminghot at bumuga. Nagulat naman sila. Haha!

Ella: Ano ba yan! Ang baho! Sino ba y- Hi Besh! Anjan ka na pala? HAHAHAHA!

Mae: Ayy! Tinatalo ka na ni ate Ella oh! Hahaha! Baho daw!

Sarah: Away na yan! Hahaha!

Den: Baliw kayo. Haha. Naka ayos na ba gamit nyo?

Bea: Oo. Ikaw na lang hindi! Hahah!

Den: Madadaya! Haha! Sige, wait lang! Mag ayos lang ako ng gamit.

Umakyat na ako sa room namin para mag ayos ng mga dadalahin ko para sa game.

Bigla namang nag ring yung phone ko.

Den: Hello patch?

Polly: San ka?

Den: Asa dorm. Ikaw?

Polly: Nasa dorm. ikaw? Hahahaha!

Den: Baliw ka.

Polly: Ikaw lang ba yung gumawa ng mga cake?

Den: HIndi. kami nila Martha. Haha

Polly: Eh asan na yung sakin?

Den: Pag pumunta ka dito, sayo na lahat. Kung may matitira pa sayo kapag pumunta ka. Haha!

You arrowed your way to the eagle's heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon