Den: Kuya, Traffic ba? Malelate na ata ako?
Kuya Roland: Maam, 4 am pa lang po. Haha. Mag EDSA na tayo.
Den: Kuya naman e! Haha!
Kuya Roland: San ka ba galing kagabi? Hinihintay kita kasi akala ko papahatid ka e.
Den: Sa Antipolo po.
Kuya Roland: Sabi ni Mosh kasama mo daw yung crush mo?
Aga mangulit ni Kuya Roland! Haha! Pabalik pa lang ako ng dorm. May training kasi kami ng 5 am.
Den: Oo kuya. Kasama ko yung crush ko. Yung crush ko na sobrang manhid. Haha!
Kuya: Aga naman mag emote! Haha! Bakit mo naman nasabing manhid?
Den: Hindi nya nararamdaman na gusto ko siya kuya. Kahit anong gawin ko, hindi nya nahahalata.
Kuya: Pano mo naman nasabing hindi niya nararamdaman? Tinanong mo na ba siya?
Den: Hindi pero yun yung sabi nila.
Kuya: Nako! Hindi ako naniniwala na manhid siya. Kung manhid man siya, hindi naman siguro siya tanga para hindi makaramdam. Hindi niya lang siguro napapansin o ayaw nya lang gumawa ng unang kibo.
Den: Naks naman kuya! Ganda ng gising natin ah! Gumaganyan na tayo! Haha!
Kuya: Haha. Ikaw talaga! Alam mo, wala na siyang ibang hahanapin pa sayo e! Maganda ka, Matalino, magaling mag volleyball, mabait.
Den: Kung ano ako kuya, mas doble yung sa kanya.
Kuya: Huwag mo kasing maliitin ang sarili mo. Ewan ko nga ba sayo. haha. Teka, yan ba yung nasa mall?
Den: Hindi no! Haha!
Kuya: Eto ba yung babae?
Den: Opo kuya...
Nahihiya akong sabihin sa kanya na babae yung gusto ko. May mga tao kasing makikitid ang utak at hindi naiintindihan ang mga bisexual.
Kuya: O bakit? Wala namang problema kung babae o lalaki ang nagugustuhan mo e. Puso mo naman ang nag mamahal hindi ang iyong sex organ. Mabuti na din na sa babae ka mag ka gusto. Hindi ka nya sasaktan ng walang rason kasi alam niyang masakit yun.
Den: Boto ka na din ba sa kanya?
Kuya: Kung sino ang gusto mo, boto ako. Ikaw pa! May tiwala ako sa mga desisyon mo. haha!
Napangiti na lang ako. Nasa EDSA na pala kami. Nakatingin lang ako sa phone ko. Nag babasa ng mga messages ni Polly. Haha!
Kuya: Grabe naman sa ganda ng mga kotseng ito! Sunod sunod pa! Tignan mo ang plaka at halos mag kaka parehas. iisa yata ang may ari ah!
Napatingin ako kung saan naka tingin si Kuya. Hummer, Porsche at Limo na puti ang mga sasakyan. Yung mga plate number nila, YT21, YT 23, at FG 01.
Familliar yung Hummer na YT 23. Wait. San ko nga ba to nakita?
BINABASA MO ANG
You arrowed your way to the eagle's heart
FanfictionWhat would you do if you found "the one" and it got away? It's easy for us to say that, "If he/she is truly yours, they will come back... For good." But what if destiny is a bitch and she always find ways to ruin your faith and hope? Can your ido...