Unigames - day 5

1.1K 7 0
                                    

Ang aga namin dito sa venue. Semis na kasi mamaya. Kung mananalo kami mamaya sa first game, Championship na mamayang hapon. 8 am pa lang pero nag aayos na kami para makapag warm up kami. Ilalagay ko na yung phone ko sa bag ko ng may mag text.

from: Polly Raselis

Good morning! Good luck on your game today! I just woke up pero it's too early pa naman diba? Haha! 9:30 pa daw naman game nyo sabi ni Ella eh! I'll see you later, okay? You have to buy me some ice cream pa!! :)

To: Polly Raselis

Good morning! Yup! Pero dito na kami sa venue. Mag wawarm up na kami :)

Punta ka dito dali! Hahaha! Text you later! See you! Ingat! :)

Tinago ko na yung phone ko at nag stretching na. Ang gaan gaan ng pakiramadam ko ngayon. Parang ang saya saya ko. Haha!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

9:00 na. Nakapag bihis na din kami para ready na sa game mamaya. Pumunta na kami sa may stage at  naupo don. Haha! Pag dating nila Coach, kasama nila si Polly. Haha. Naka akbay sa kanya si Coach. Tumatawa tawa sila. Haha. Bakit ba parang lahat ka close ng taong to? haha! FC ba sya? Hindi naman siguro. Sya nga yung unang kinukulit  e. Hahaha. Nag paalam sya kay coach dahil may tumawag sa kanya. Dumerecho naman si coach samin. Naka tingin lang ako sa kanya habang may nag papa picture sa kanya. Grabe sya mag accomodate no? Ganon ba talaga siya?

Ella: Grabe talaga tong Topak na to! Lakas!! Haha!

Den: Ano? Hahaha!

Ella: Si Polly! Ang daming nakaka kilala. Haha! Parang ikaw lang besh

Den: Dinamay mo pa ko, besh. haha! Ganyan ba talaga yan?

Ella: Hmm. Oo, nung nag hang out nga kami nung palaro hindi alam nung iba na athlete din sya pero nag papa picture sa kanya. Madami din nanghihingi ng number nyan kaya tatlo phone nya e. Haha! Napansin mo ba yun?

Den: Hmm. dalawa lang yung nakita ko kahapon. Haha.

Ella: Tatlo phone nya. Isang smart at yung isa globe para private number ganun. Para lang sa mga kilala nya talaga. Yung isa globe din pero yun yung pinamimigay nya na number. haha. Ang kulit no?

Den: haha! pero nag rereply din sya sa mga nag tetext sa kanya dun sa isa nyang phone?

Ella: Oo besh. Kaya hindi yan nawawalan ng katext e. Pero kapag kakain or mag hahang out kayo, itatago nya lahat ng phone nya. Para hindi maka distorbo. Haha. Ganun yan e. 

Den: Sweet talaga sya besh?

Ella: Oo. Sa lahat ng tao. Pero akala mo hindi nag kaka problema yang taong yan no? Haha.

Napatingin ako sa kanya. Andun pa din sya. Mukha ngang sobrang happy-go-lucky ng taong to. Yung walang problema ganun. kaya nagulat din ako kay Ella nung sinabi nya yun.

Ella: Nagulat ka besh? Haha. Oo. Lagi yan nag sasabi sakin ng problema nya e. Haha. Hindi naman ganun ka lalim pero iba yan pag nag ka problema, dinadamdam talaga ng sobra. Minsan lang kasi sya nag kaka problema. Sya yung tipo ng tao na ayaw ng may nagagalit sa kanya or sa mga kaibigan nya.

Naputol naman ang sinasabi ni Ella dahil malapit na si Polly samin.

Polly: Good morning! :)

Bumeso sya samin. Syempre hindi naman papayag yung teammates namin na malalamangan sila kaya bineso din sila ni Polly. haha! Kinulong naman ni Sarah at Mae sa yakap nila si Polly. Nanggigigil na naman sila sa kanya. Tawa naman ito ng tawa. Ang aga aga ang taas ng energy nya.

You arrowed your way to the eagle's heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon