Chapter 1 | Meeting The Tigers

596 8 1
                                    

Sophie Point Of View.

The sunlight  passed on my window screen awakes me. It means that its already late na and kailangan ko ng bumangon. Naginat inat ako ng mga braso ko, sinuot ang tsinelas ko saka pumunta sa kusina. Hindi ko na nga naayos yung hinigaan ko. Okay lang naman dahil bukod sa ako lang magisa ang nakatira dito sa dorm ay pwede ko naman itong ligpitin mamaya.

Pumunta ko sa kusina at uminom ng isang basong tubig. Since tanghali na hindi na din ako nakapag jogging. Mamaya pang 1pm ang class ko so may oras pa ko para sa ibang bagay. Paglabas ko ng dorm ay nakita ko yung may ari ng dorm na tinutuluyan ko.

"Good morning po" bati ko kay Mang. Gustin.

"Ay Sophie. Buti naman at lumabas ka na. Tanghali ka na gumising aa? Tumatawag ako dyan kanina kaso tulog ka pa ata. Nga pala may bago kang makakasama sa dorm mo" Sabi nya at nasa likod nya ang apat na lalaki. "Sila yung makakasama mo."

Theyre too popular para hindi ko sila makilala. Bukod sa archaenemies ang schools namin in terms of basketball. Sila yung mga sikat na players ng UST. Sila Kim Lo. Kent Lao. Kevin Ferrer at Aljon Mariano

"Hello miss. Kevin nga pala" Pakilala ni Kevin. "Sophie" pakilala ko sa sarile ko. Medyo nakakaconcious ng very light.

"Kent Lao. Call me your Hubby" Pakilala nya with a smile na halos mabura na yung mata nya.

"Kim Lo." parang Napipilitan lang po sya.

"Aljon. Nice to meet you" sabi nya at nagshake hands kami.

"Paano? Gusto nyo bang makita muna yung bahay?" Sabi ni Mang.Gustin at inikot nya sa dorm yung apat na bagong 'boarder' na makakasama ko.

"Sa taas yung kwarto nyo. Kayo na bahalang pumili kung saan nyo gustong pwesto" Sabi ni Mang Gustin at binigay na sa kanila yung susi sa kwarto nila. Dala na din nila yung mga gamit nila kaya wala ng problema. Welcome home ika nga.

Nakaalis na si Mang.Gustin at nagiikot ikot pa din sila sa loob ng dorm. Mabuti na din na may kasama ko dito kasi ang laki talaga nito para sakin. Buti nakahanap na ng 'spacer' pero hindi ko expect na lalaki ang mga makakasama ko. At ako lang magisang babae. Im one of the boys.

"Ikaw lang magisa dito?" tanong ni Kent.

"Uhh. Yeah" cool na sagot ko.

"I dont know how you survived to live in this hardship" Hanudaw? "But dont worry. I will soften it." banat nya.

Pumasok na lang ako sa banyo para maligo na at makapagprepare para pumasok sa school. Iiwan ko muna yung mga bago kong kasama dito sa dorm. Siguro its about time na bumili din ako ng lock sa kwarto ko. You know? Mahirap magtrust diba?

Nasa may sala silang apat at nanunuod ng TV. Ang gulo nilang tignan sa totoo lang. I have to adjust also sa paglilinis ng bahay. Urghh. Mukhang magiging instant yaya pa ata ako nung apat na to aa?

Medyo magkalapit lang yung kusina at yung sala kaya rinig na rinig ko yung ingay nila. Grabe, Wala pa atang 2 hours na nandito sila feel na feel at home sila. Ibang klase.

Nagsimula na kong magprito ng Manok para sa tatanghalian ko. Its funny na napapatili ako dahil sa mga nagtatalamsikan na mantika. Sh*t! kumuha pa ko ng takip ng kaldero para gawing shield. I look stupid. Nagulat na lang ako ng lumapit si Kent at kinuha yung sanse at hininaan yung apoy.

"Next time i deep fry mo. Not stir fry. Saka mahina lang ang apoy para hindi masunog." Swabeng sabi nya at sya na mismo ang nagfry ulet. Yung manok na niluto ko naging toasted na masyado.

"Salamat" Nahihiyang sabi ko

"Its okay" sabi nya at Pinaghain nya ko ng pagkain. "As I said. Call me your Hubby" sabi nya with his signature chinito smile.

Bumalik na sya sa sala at nakita ko kung paano sya kantsawan at alaskahin ng mga kasama nya

"Dumidiskarte ka Brad aa!" sabi ni Aljon

"Wag mo naman akong Agawan pre." sabi ni Kevin

Pansin ko lang na iba iba ang attitude nitong apat. Si Aljon parang laging nakikisakay lang sa trip nung tatlo. Si Kevin naman maypagka chickboy na ewan. Si Kent yung pinaka friendly at si Kim? I dont know if it's his eyes or sadyang masungit ba sya or tahimik lang? I dunno. Four different attitude and one thing is for sure. Kailangan ko silang pakisamahan dahil nasa iisang dorm lang kami.

Papasok na ko wearing my La Salle uniform ng makita nila ko. "La Sallista ka?" tanong ni Aljon. "Obviously" sagot ko. Kinabahan naman ako sa tingin nung apat. Para silang literal na tigre na gusto nila kong lapain. I knew it. School rivalry ya know?

"Baka mag spiya to satin brad" sabi ni Kevin

"No! Of course not!" sagot ko.

"Hindi mags spiya yan paps. Hindi nya magagawa sa Hubby nya yun diba?" sabi ni Kent with kindat effect pa.

"Whatever. I gonna go" sabi ko at lumabas na ko sa dorm.

Living With the Four Tigers [UST Growling Tigers Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon