Aljon Mariano Point of View
Maaga kong nagising. Its mixed between excited o kinakabahan ako sa game para mamaya o dahil nagising ako sa ingay sa may kusina. Usually ako yung unang nagigising dito sa bahay dahil ako nagluluto ng almusal namin pero bakit naririnig ko yung boses nila Kent at Sophie? Guni guni ko lang ata yun pero boses talaga nila ee. Sakto na paglabas ko nandun nga sila at sabay kumakain sa may lamesa.
"Aga nyo atang nagising?" tanong ko
"Magjo jogging kami ni Sophie ee. Kumain lang kami para may laman tyan namin bago tumakbo" sagot ni Kent habang naka akbay pa kay Sophie.
"Ikaw. Aga mo ata nagising?" tanong ni Sophie
"Wow. Ako nagluluto ng almusal diba? So kailangan maaga ko gigising" sagot ko habang bubuksan ang ref kaso hinarang ako ni Sophie
"Nagluto na ko. Kumain ka na dyan" sabi ni Sophie at pinaupo ako sa lamesa. Umupo naman ako at kumain ng 'luto' ni Sophie na sopas. Masarap naman sa totoo lang. Aba may talent pala sa pagluluto ang babaeng to.
Habang kumakain ako yung dalawa naman na nasa harapan ko eh sweet na sweet sa isat isa. Though sweet naman sila pero iba yung sweetness nila ngayon. Masyado atang clingy si Sophie kay Kent ngayon? Parang may 'something' na ewan. Sila na ba?
"Jogging lang kami paps" sabi ni Kent at magkahawak pa sila na kamay lumabas. Kainggit ng konti. Namiss ko tuloy si Kayesha ko.
"Bye Jon!" paalam ni Sophie at naghaharutan pa sila ni Kent. Pansin ko na suot din nya yung UST jacket ni Kent na ginagamit kapag may training or game kami.
Naiwan ako sa bahay habang hinihintay magising yung dalawang tigre. Unang lumabas si Kevin at umupo agad sa lamesa
"Ano pagkain?" bungad nya. Wala man lang good morning. Ibang klase
"Sopas" sagot ko
"Wow mukhang masarap luto mo aa?" excited na sabi nya
"Actually si Sophie nagluto nyan" sagot ko na muntik nyang ika samid
"Seryoso?" tanong nya
"Oo." sagot ko
"Aba ang luka marunong palang magluto yun? Tokis magpapamisa ko mamaya. Teka. Asan ba yung luka na yun?" tanong nya
"Nagjogging kasama si Kent" sagot ko
"Sila lang?" tanong na naman nya habang sumusubo
"Oo. Wala ka bang napapansin sa dalawa?" tanong ko
"Sino?" tanong nya
"Si Sophie saka si Kent" sagot ko
"Oh ano meron?" tanong nya
"Wala lang. Parang iba lang ang sweetness nila ngayon" sagot ko
"Selos ka naman" asar ni Kevin
"Hindi noh. Sila na ba?" tanong ko
"Taena paps! Wag mong sasabihin yan" sabi ni Kevin at tinuro pa sakin yung kutsarang gamit nya at parang vetong veto sa sinabi ko.
"Oh bakit? Kung makita mo lang ang sweetness nila kanina" sabi ko
"Sweetness nino?" tanong ni Kim na kadadating lang.
"Nila Sophie at Kent" sagot ko
"Oh?" parang wala lang na tanong nya at umupo sa may lamesa at uminom ng tubig .
"Paps. Sila Kent at Sophie na daw?" tanong ni Kevin kay Kim
"Oo." sagot nung intsik.
"Kelan pa?" tanong ko
BINABASA MO ANG
Living With the Four Tigers [UST Growling Tigers Fanfiction]
RomanceWhats the feeling if youre living in a dormitory with Kim Kaizen Lo, Kent Lao, Aljon Mariano and Kevin Ferrer as your boardmates?