Sophie's Point of View.
Nagising ako nung may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko. Almost lunch na din nung time na yun. Tokis ang lakas ata ng hangover ko dahil kagabe. Ang natatandaan ko na lang nagpaparty pa kami sa sala pero bakit ngayon nasa kwarto ko na ako? Sino kaya bumuhat sakin? Kaloka na concious pa ko sa weight ko.
"Luka. Tanghale na! Ayan kasi iinom inom hindi naman pala kaya" sabi nung higanteng si Kevin habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko.
"Inaantok pa ko" sabi ko at nagkukusot pa ng mata ko. Tokis ang tinde nga ata ng hangover ko. Bwiset.
"Tanghale na gaga! Bumangon ka na kung ayaw mong ako mismo magpabangon sayo dyan" sagot nya
"Kung kaya mo" prenteng sagot ko. Jusko akala ko naman nakalock ang pinto ng kwarto ko. Hindi pala kaya agad akong napasok ng higante.
"Ah ganun aa!" sabi nya at nakapasok na sya saka nya ko binuhat na parang kikidnapin.
"Ibaba mo ko Kevs!" utos ko kasi mas lalo kong nahihilo sa ginagawa nya.
Binaba naman nya ko sa sofa sa may sala saka ko binagsak na parang isang bagay lang. Abnormal talaga. Inaatok talaga ko kaya humilata ulet ako para ipagpatuloy ang napurnadang tulog. Antok na antok talaga ko big time.
"Bae" tawag ni Kent
"Okay ka lang ba?" tanong nya saka sya umupo at ginawang unan yung binti nya.
"Okay lang." sagot ko at umayos na din ng upo. Medyo buhay na din ang katawang lupa ko. Tumayo ako at uminom ng isang basong tubig para mahimasmasan kahit papano.
"Good morning Sophie girl" bati sakin ni Kayesha. Aba dito pala natulog si baby girl? (Tawagan namin yun)
"Good morning" sabi ko at nagbeso kami. Were like sisters na nga sa totoo lang.
"Tinde mo kagabe aa! Lakas mo pala uminom?" sabi ni Kayesha
"Hindi naman." depensa ko. Kaloka katurn off yun mga george.
"Tara kain na tayo. Gutom na ko ee" sabi ni Kevin. Takaw talaga amputek nitong higante na to.
"Lagi ka namang gutom paps ee." sabi ni Kim
Kumain kami ng almusal. Kasalukuyan kaming kumakain at nagkwe kwentuhan may kumatok sa may gate.
"Ako na" sabi ni Kevin
"Ako na" sabi ko din at sabay kaming lumabas ni Kevin para icheck yung kumakatok sa gate. Nakita namin ang isang lalaki na naka La Sallistang damit at naka jeans with his eyeglasses. Si Josh
"Ay pre. Tara pasok" sabi ni Kevin at pinagbuksan ng gate si Josh.
"Salamat" sabi ni Josh at tinapik yung balikat ni Kevin saka ako nilapitan. Parang naka glue yung paa ko sa kinatatayuan ko. I feel awkward to be with Josh sa totoo lang. Ngayon na lang kasi talaga kami makakapagusap.
"Josh. He--Hello" bati ko
"Sophie. Can we talk?" tanong nya
"Sure. Actually I want to talk with you too. I need to tell you something" sabi ko
"Can we talk but not here. Okay lang?" tanong nya
"Sure." sabi ko at lumabas ako at papasok na sa kotse nya. Umupo ako sa shotgun seat and then umalis kami papunta sa isang park.
Kinakabahan ako sa sasabihin nya sakin. Hinubad nya yung salamin nya at saka seryosong tumingin sa mata ko. Oh Josh. You know I cant make an eye to eye contact with you lalo na kung ganyan ka kaseryoso.
BINABASA MO ANG
Living With the Four Tigers [UST Growling Tigers Fanfiction]
RomantiekWhats the feeling if youre living in a dormitory with Kim Kaizen Lo, Kent Lao, Aljon Mariano and Kevin Ferrer as your boardmates?