Chapter 20 | Cool Off

171 3 1
                                    

Kevin Ferrer Point of View

[Napapadalas ang POV ni Kevin. Lols. May something na ata]

When She Cries - Helpless Heart

When she cries at night.
And she doesnt think that i can hear
When she tries to hide
all the  fear she feels inside
So I prayed this time.
I can be the man that she deserve
Cause i died on little each time
When she cries.

Nagsosoundtrip ako sa kwarto ko. Sumesenti ang lolo nyo. Medyo masakit pa ang pisngi ko gawa ng pagkakasapak sakin nung intsik. Kainis. Hindi talaga ko makatulog dahil sa kung ano ano ang pumapasok sa isip ko. Tsk. Kamusta na kaya si Sophie? Alam ko kasi yung nararamdaman nya. Tengene naranasan ko ng magalet sakin ang isang babae dahil din sa bwisit na pustahan na yan.

First year college ako nun ng may niligawan din ako na babae at may karibal din akong ibang lalaki. Hindi hamak na mas sikat sya kesa sakin kaya syempre gagawa ka din ng paraan para mabakudan mo sya. Been there done that mga chong. Syempre nagalet din sakin yung babae. Ramdam ko yun tagos hanggang buto. Yung galet sakin ng babae hanggang ngayon ata ramdam ko pa. Ibang magalet ang babae mga kuys. Hindi nya yun malilimutan. Dala nya na yun.

Bwisit. Nagkakabalikan pa ng past. Sabi nila hindi na daw mababalik ang nakaraan. Pero bakit bumabalik pa yun kahit hindi na welcome. Hustisya mga paps. Tsk tsk tsk.

Bumaba ako sa may sofa para manuod ng TV. Wala ng matinong palabas bukod sa 'The Tim Yap Show' sa channel 7. Halos madaling araw na pero hindi pa din ako makatulog. 1am na pero hindi pa din ako inaantok. Panunuod na lang ng Home shopping plus ang ginagawa ko. Para ngang nahohook ako na bumili ng kutsilyo na halos lahat ng klase nahihiwa. Magic knife ba tawag dun. Taena san ka nakakita ng isang kutsilyo na halos isang libo ang presyo? Tokis sa pangsa salestalk tong mga tong mga nagsasalita sa TV.

"May 50% discount at free delivery sa first 20 na bibili ng Magic Knife. For orders call 897-6543"

Ready na sana kong dumial pero syempre joke lang yun. Mantritrip lang na kunwari oorder ako. Manchi chicks lang sa call center operator nung home shopping. Kalandiang taglay pinapairal ng madaling araw. Tsk. Galawang Kevin Ferrer. Hahaha. Nagulat lang ako kasi biglang lumabas si Sophie sa kwarto nya.

"Oh gising ka pa?" tanong ni Sophie

"Hindi ako makatulog ee" sagot nya.

"Umatake na naman LBM mo?" tanong nya

"Hindi. May iniisip lang" sagot ko sabay patay ng TV

"Taena iniisip mo na naman jowa mo. Itulog mo na yan hindi ka mahal nun" Mukhang okay na sya at nantra trashtalk na ang luka.

"Mahal ako nun. Wag kang bitter." sagot ko

"Walang forever Kevs!" sabi nya at sinasabunut sabunutan pa ko ko.

Umupo sya sa may sofa at tumabi sakin. Akala ko magkwe kwentuhan o maghaharutan na naman kami kaso tahimik lang sya. Mukhang iniisip pa din nya yung nangyare.

"Wag mo na isipin yun" sabi ko habang ginugulo yung buhok nya.

"Ang hirap ee" sagot nya at may nangingilid na luha sa mata nya

"Kaya mo yan" sabi ko pang word of encouragement sa kanya. Hawak ko yung ulo nya saka ko sinandal sa balikat ko. Para naman syang pusa na naglalambing sakin at pinagpupunasan yung mangas ng tshirt ko. Dahil cotton yung tela ramdam ko na nabasa yun ng luha nya.

"Tama na yan" pagtatahan ko sa kanya

"Hindi ko kaya ee. Masakit kasi talaga. Para kong bagay na pinagaagawan lang." sabi nya at umiiyak na naman sya. Tsk

Living With the Four Tigers [UST Growling Tigers Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon