Chapter 9 | A Archer at the Tiger's Den

194 3 0
                                    

Kevin Ferrer Point of View.

Lukong intsik na Kent Lao yun. Bigla bigla na lang nawawala. May usapan kami na ililibre nya ko ng lunch sa Bon Chon ee. Boka talaga.

Nasa may car park ako at ako na lang magisa ang pumunta sa may Bon Chon para kumain ng tanghalian. Bwisit. Mababawasan pa yung ipon ko. Sakto naman na nandito din ang isang intsik kaya may pwedeng mag sponsor sa kumakalam kong sikmura.

"Chek libre mo ko." sabi ko kay Kim

"Langya ka papi. Wala na nga akong pera ee." sagot nya

"Sige na chek. Bwisit kasi si Kent ee. Sya dapat manlilibre sakin ee." sabi ko at kinukulit ko sya hanggang ilibre nya ko. May kusa tong si Kim sa totoo lang. Bestfriend nga kami ee.

"Asan ba sya?" tanong nya

"Ewan ko dun. Bigla bigla na lang nawawala." sagot ko. Nung klase nga nandun pa ee tapos parang bula na lang na nawala. San naman kaya pumunta yun? O sadyang nagtago lang talaga kasi alam nya na ililibre nya ko? Kainis naman.

"Pasalamat ka bestfriend tayo. Sige na nga. Baka mamaya himatayin ka pa sa training konsensya ko pa." sabi ni Kim. Sabi sa inyo may kusa toh ee.

Nilibre ko ni Kim ng lunch. Hindi na kailangang mabawasan ang pera ko. Paraparaan lang yan mga george. *Evil laugh*

Pagkatapos naming kumain nakareceive kami ng text from Aljon na Kapitan.

"May training tayo ng 2pm. Walang aabsent ! Umabsent paslang."

Luko talagang yun. Sabagay try mo lang umabsent o kaya ma late sa drills tignan natin kung makasurvive ka sa punishment nitong si Aljon.

Tumambay muna kami sa may Qpav para magpahinga at magpababa muna ng kinain. Masyado kong mahal ni Kim at talagang binundat ako. Busog na busog ako sa lunch namin. Sarap talaga ng libre

Mga 1:45pm nung pumunta na kami sa basketball gym para sa training. Kumpleto na din halos yung ibang tigers na ayaw talaga magpalate at baka makatikim ng punishment. Pero bwisit talaga kasi wala pa si Kent. Lukong intsik yun. Babawe pa yun sakin.Sya na lang din ang hinahanap nila Coach Pedo.

"Asan na si Lao?" tanong ni Coach

"Baka natutulog pa coach" sagot ni Aljon

"Natutulog? Eh lagi namang tulog yun ee." pabirong sagot ni Coach. #ChinitoProblems

"Eto na pala si Kent ee." sabi ni Kim kaso nagulat ako bakit kasama nya si Sophie?

"Sorry late ako." sabi nung luko.

Para namang adik yung mga ka team ko at ngayon lang nakakita ng babae. Halos tumulo ang laway nung nakita si Sophie. Back off dudes. Usapang tigers mga paps. Walang ganyanan. Halatang pati sila crush na din si Sophie. Magkakatalo talo pa ata aa.

Isa isa namang magpakilala yung ibang tigers sa kanya. Syempre nakipagkilala din naman si Sophie sa kanila.

"Sino ba yan Kent?" tanong ni Coach. Kinabahan pa ko sa isasagot nung intsik na yun. Subukan nyang sabihing girlfriend nya si Sophie. Talo talo na kami. Joke lang mga paps!

"Friend ko lang po coach." sagot ni Kent

"Edi ba dyan din naman nagsisimula yan?" asar ni Coach.

"Let see." parang may challenge na sabi ni Kent. Eto namang si Sophie parang natutuwa pa. May something na bang namamagitan between Kent and Sophie? Mukhang malaki na ang lamang sakin nung intsik na yun aa. Napagiiwanan nya ko kay Sophie. Hindi pwede toh.

"Hi Sophie loves!" sabi ko at nagbackhug ako sa kanya. Good thing kasi hindi naman sya ganung nagreact na supladang babae. Para din syang ibang tigers na nakipag Hi five pa sakin.

Living With the Four Tigers [UST Growling Tigers Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon