Chapter 17 | Basketball Match

196 4 0
                                    

Kent Lao Point of View.

Akala ko magiging masaya kami sa paglabas namin nung tatlo. Wala kasi si Sophie at may 'date' sila nung Torralba na yun kaya medyo malungkot ang aura sa bahay. Si Sophie lang naman ang buhay namin dun ee. Realtalk. Ngayon lang kasi may nakasama na babae  sa isang dorm tapos masyado na kaming na attach sa kanya. Masyado na kasi kaming naging close and even get more personal pa nga sa mga quirky sides nya. Yung kaya nyang makipagsabayan sa trip naming apat.

Konti na lang aaminin ko na talaga kay Sophie yung feelings ko para sa kanya. I dont know kasi masyado kasi syang friendly kaya hindi nya masyadong pansin yung pagpapapansin ko sa kanya o di kaya sila na talaga ni Torralba at hanggang 'friends' o 'tropa' lang talaga ang tingin nya sakin/samin.

Naconfirm ko lang (Siguro naman kasi) na may relasyon nga yung dalawa nung nakita namin sila sa baywalk na sweet na sweet habang naglalakad at talagang nakaakbay pa si Joshua kay Sophie. Kainis.

Sa totoo lang wala naman talaga kong laban kung tutuusin kay Torralba. Matagal na silang magkakilala ni Joshua samantalang almost 2 weeks pa lang kami magkakilala. Nakakapressure isipin na sa tagal nilang magkakilala ni Torralba malamang may possibility na madevelop na silang dalawa. Ano pa laban ko?

"Paps. Ano na?" tanong ni Kevin

"Anong ano na?" patay malisya ko

"Wala toh. Paps sinuko ko na nga panliligaw ko kay Sophie para sayo ee. Tapos sasayangin mo dahil magpapatalo ka lang sa Torralba na yun?" sagot ni Kevin. Aba ang higante nagpakumbaba.

"Wow aa. Salamat paps." sagot ko. Wala na pala kong ibang problema kungdi si Torralba na lang. Kaya pala lately hindi na ganung nagpapapansin at dumadamoves tong si Ferrer. Bestfriends lang daw ang turingan nilang dalawa at hanggang dun na lang daw yun.

Umisip ako ng paraan kung paano ko makakapagpapansin kay Sophie na tipong makakalimutan nya si Torralba. Ipabugbog ko kaya yun? Sindakin ko kaya ng dumistansya na sya. Tarages madami ng alam ee. Joke lang mga kuys. Alam kong baka ikagalet na naman ni Sophie yun kapag ginawa ko pero itaga nyo sa bato mga george. Kahit lumaki pa mata ko hindi ko isusuko si Sophie kay Torralba. Itatak nyo pa sa bato at sa bayag nya *MTRCB* bayan pati bayag nun nadamay pa.

Nasa shoot kami ngayon. Photoshoot mga kuys ngayon. Mumomodel na ang lolo nyo. Joke lang. Para yun sa UAAP magazine. Nandito yung ilang sikat na players ng ibat ibang universities para sa photoshoot na ipopost sa magazine. Suot suot ang kani kanilang jerseys at uniform syempre. Yung iba halos naging magkaibigan na din kahit na mortal na magkaaway sa hardcourt. Nandito ang idol kong si Allyssa Valdez ng Ateneo. (Baka magselos ang Tigresses. Haha) kaya hindi din ako nakalapit para makapagkilala. Kalandiang taglay. May Sophie na ee. Joke lang mga kuys!

Wearing his #22 jersey from La Salle green archers ay nandito din si Torralba. Nangangamoy suntukan aa. Kidding guys. Hindi pwede yun. Baka ma tanggal pa ko sa pagiging player kapag ginawa ko yun. Oo nga noh? Bakit hindi ko na lang sya ayain ng Basketball? One on One? Kung sino manalo sa kanya mapupunta si Sophie?

Joshua Torralba Point of View.

[May POV na naman si Josh. Haha.]

Its been a busy week again. Monday ngayon and ngayon ang schedules ng photoshoot para sa UAAP magazine. Fortunately isa ko sa mga players na napili para mabelong sa nasabing shoot.

Nandito lahat ng players ng different universities. Unfortunately nandito din yung isang tigers na alam kong umaaligid din kay Sophie. Si Kent Lao.

Aminado kong magaleng na player tong isang chinese na to. Nakalaro ko na sya sa finals last year kaya alam ko na din ang ilan sa mga moves nya. Badtrip nga lang ako sa kanya kasi masyado syang nagpapansin kay Sophie. Sya nga siguro si 'Hubby' sa phone book ni Sophie. Nakita ko kasi na yun yung pangalan nung nagring yung phone nya at nung sinagot nya "Hello Kent?" bwisit. Ako nga simpleng 'Josh' lang ang nakalagay sa phonebook nya. Hindi man lang kahit clingy word na BFF or Bestie. Bestfriend? Josh lang talaga. Tipid na pangalan ko lang samantalang Hubby yung dun sa Kent na intsik na yun. Lakas maka cliche nung endearment. Boyfriend nga kaya ni Sophie si Kent? Malayo na nga ata ang lamang sakin ni Kent and even kay Sophie kasi hindi na ko updated sa kanya. Masyado na kasi kong busy kaya even paglipat at pagkakakilala nya sa apat na tigers sa dorm hindi ko na alam. Nalaman ko na lang recently at ngi hindi nya na kwento sakin ang buong storya nung paglipat nila.

Kung tutuusin may balak nga din ako na lipatan yung isang kwarto sa dorm na yun kaso nagdadalawang isip ako at baka ano isipin nila mom at dad kung bakit kailangan ko pang mag dorm eh halos malapit lang din kami sa taft (La Salle)

Hindi pwede toh. Kailangan kong mabawe ang atensyon ni Sophie. Hindi ako papayag na maagaw yun sakin ni Kent Lao. Kami ang mag bestfriend ni Sophie kaya know his limits. I know its sound possesive pero madamot ako pagdating sa taong mahal ko.

While were on the photoshoots. Nagkasalubong kami ni Kent sa may CR. Kasama nya yung dalawang kaibigan nya na si Kim Lo at yung captain nila na si Aljon Mariano.

"Pwede ka ba makausap" sabi ni Kent

"Oo naman" sagot ko at tinanggal ang salamin ko para bang pinapawatig ko na seryoso ko.

"Ano mo ba si Sophie? Boyfriend ka ba nya?" tanong nya

Napangiti ako sa tanong nya. Sounds stupid isnt? Natawa ko kasi ganun nga sya ka offensive kay Sophie. Kung magsalita sya parang boyfriend sya ni Sophie.

"Hindi." sagot ko

"Eh hindi naman pala ee. Edi wag ka ng umeksena" sabi nya at binabakuran nya ko kay Sophie. Kakainis sa totoo lang. Pinipigilan ko lang sarile ko at baka masapak ko tong intsik na to ng wala sa oras.

"Bestfriend ako ni Sophie. Pero mahal ko din sya kaya wag mo kong pakialaman kung ano ang relasyon naming dalawa" sagot ko

"Eh bestfriend ka lang pala ee!" sabi ni Kent at halatang pinipigilan lang nung dalawa at baka magkasapakan kami ng wala sa oras.

"Bakit sino ka ba aa? Ano ka ba ni Sophie?" tanong ko

"Mahal ko din si Sophie. Kaya wag kang humarang sa kanya." sabi nya

"Asa ka. Ano akala mo isusuko ko si Sophie ng ganun ganun lang?" seryosong sagot ko

"Oo." sagot nya din at parang naghahamon talaga ng away.

"Taena ba ano ba gusto mo aa?" sabi ko at handa ko ng pakawalan ang kamao ko. Sabihin nya lang kung kaliwa o kanan ang lalapat sa mukha nya.

"Basketball one on one. Ano? Kung sino manalo sa kanya mapupunta si Sophie" sagot nya.

Living With the Four Tigers [UST Growling Tigers Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon