Sophie's Point of View.
"Para kang abnormal! Pachicks ka pa ee. Akala mo hindi kita na miss?" bungad ko kay Kent nung pumasok kami nung bahay.
"Sorry na Bae" sagot nya then he hugged me tight na halos maiipit na ko sa abs nya. Halata nga na namiss nya ko sa totoo lang at namiss ko din sya ng severe.
"Welcome home papsy!" masayang sabi nila Kevin at naggroup hug sila. Syempre sinama din nila ko so nag group hug kaming lima. Medyo awkward kasi ako lang talaga ang babae pero donchaworee. Hindi naman ako na out of place. Para nga kaming mga abnormal sa mga ginagawa namin ee.
Nagbonding kami and naglaro ulet kami ng PSP. Boys (and One girl) night out na ito. Nagpadeliver ng dalawang box ng peperonni pizza si Kent at bumili ng ice cream si Aljon. Foodtrip kami habang naglalaro. May isang natirang slice ng pizza at nagkakahiyaan pa kung sino ang kukuha.Si Kent at si Kevin ang nagkakagiriian sa natirang pizza. Hindi naman pwedeng hati na lang sila kaya nagkaron ng instant duel. One on One sa NBA2k15 at kung sino manalo sa kanya mapupunta yung pizza. Mga isip bata ang putek.
Game naman yung dalawa at kinuha yung console para simulan na yung deal. Si Kent ang nanalo sa score na 89-70. Kay Kent napunta ang tumataginting na isang slice ng pizza.
"Para sayo toh Bae" sabi nya at sinusubo sakin yung pizza. Enebeyen.
"Hindi na. Sayo yan ee." sagot ko kaso masyadong makulet ang kuya nyo. Sinusubo nya pa din sakin yung pizza so kinagatan ko na din ng very light saka nya inubos. Talagang shinare nya muna sakin yung pizza emerghed.
After naming mag videogame naglaro naman kami ng baraha. Yung unggoy unggoyan ba yun? Pusoy dos. Lucky nine saka nagaala magician tong sila Kevin
"Eto hipan mo" sabi nya at pinahipan sakin yung deck.
"Pili ka ng isa. Wag mo ipapakita sakin aa?" sabi nya at kumuha ko ng isang baraha. 9 spades. Pinakita ko sa tatlo yung baraha para may witness.
Binalasa lang ni Kevin yung baraha saka hinati ito sa tatlo. Pinakiramdaman na parang manghuhula at pinili ang nasa unang baraha na nasa gitna. Sakto yung 9spades nga. Palakpakan!
Almost 9pm na pero gising na gising pa din kami. Palibhasa sunday bukas at walang pasok kaya sinusulit namin na magkakasama kami. Specially ngayon na nandito na ulet si Kent. Napagdesisyonan naming mag movie marathon at nanuod ng isang horror film.
"Hindi ako takot brad" pagmamalaki nitong si Kevin
"Tengene wala naman yan ee. Kulang sa suspense factor" pagyayabang nya pa. Talaga lang aa? Tekaaa.
Nasa kalagitnaan na kami ng movie. Normal pa yung iba pero ako napapayakap na lang sa braso ni Kent at napapatakip na lang sa likod ni Kevin kapag nakakagulat na yung mga eksena. Bwisit medyo brutality na talaga ang laban. May nagcha chainsaw at talagang ang dami ng dugo. Medyo natatakot na talaga ko o nandidiri ba ko. Ewan mixed emotions.
Nakapatay yung ilaw at focus lang kami sa panunuod ng may biglang kumaluskos dun sa may labas.
"Sino yun?" tanong ko
"Ano yun?" tanong ni Kent at Kevin kasi wala naman silang naririnig na ingay
"May kumaluskos ee!" sagot ko
"Baka naman pusa lang" sabi ni Kevin at nag focus na kami ulet sa panunuod. Almost 12 midnight na hindi pa din tapos yung movie.
Mayamaya biglang namatay yung TV.
"Brown out ba?" tanong ni Kevin
Lumabas kami para i check pero may ilaw naman sa kabilang bahay.
BINABASA MO ANG
Living With the Four Tigers [UST Growling Tigers Fanfiction]
RomansaWhats the feeling if youre living in a dormitory with Kim Kaizen Lo, Kent Lao, Aljon Mariano and Kevin Ferrer as your boardmates?