Chapter 28 | Confrontation

117 3 0
                                    

Sophie's Point of View.

Matamlay akong nakauwe sa bahay. Hanggang ngayon ramdam ko pa din yung sakit dito sa puso ko. Napakasakit sa totoo lang yung ginawa ko kay Josh pero hindi ko naman masisisi ang sarile ko diba? Napakasama ko naman kung sabay kong mamahalin si Kent at Josh ganung isa lang naman ang puso ko. Impenetrability. Two objects cannot occupy the same space at the same time. Naalala ko pa yung sinabi sakin ni Kevin one time. Hays kung alam ko lang na ganito magiging ka kumplikado ang sitwasyon. Alam kong sobra sobrang nasaktan si Josh. Wala pa nga siguro sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Siguro nga mas higit pa.

Sasarado ko na sana yung gate nung pumasok din si Kent. Pansin ko na masama ang tingin nya sakin at may hawak syang envelopes. Dont tell me?

"Totoo ba? Aalis ka?" tanong nya at halata na nagagalit. Sabi na ee. Mukhang alam na nya

"Kent I can explain" sabi ko pero hindi nya ko pinansin at padabog na pumasok sa dorm

"Kent!" tawag ko. Huminto sya sandali at padabog din na binaba yung mga papales at yung passport ko. Lukong to. Di jokes lang seryoso ang usapan mga george.

"Oh bakit?" naguguluhang tanong ni Aljon.

"LQ ba yan?" asar naman ni Kevin. Tinignan lang sya ng masama ni Kent saka sya nagsalita.

"Yan. Sabihin mo din sa kanila!" sabi nya at tinuro nya yung tatlo

"Sabihin ang alin?" naguguluhang tanong ni Kim

Hindi naman ako makasagot. Parang feeling ko panaginip lang ang lahat ng to. What have I done? I woke up na magiging ganito ka complicated ang sitwasyon. First si Josh tapos ngayon si Kent at tong tatlo.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan i explain sa kanila yung pagmamigrate ko sa Boston. I dunno kung paano nila tatanggapin yun. Na aalis ako at iiwan ko sila especially si Kent.

"May dapat ka bang sabihin samin luka?" tanong ni Kevin.

Kinuha ni Kent yung envelope at pinabasa kayla Aljon at Kevin. Lumapit din si Kim para makiusyoso.

"A-aalis k- ka?" tanong ni Kevin

Napatulo na naman yung luha ko. Hindi pa talaga ko ready na sabihin sa kanila yung pagalis ko. Hindi eto yung pagkaka expect ko kapag dadating yung time na malalaman nila na aalis na ko. Its happening now and I dont know how to explain.

"Bakit? Ga--galet ka ba samin?" tanong ni Kevin

"Aalis ka? Bakit? Alam ko may eksplanasyon ka. Ano yun?" kalmadong sabi ni Aljon

Masama lang ang tingin sakin ni Kent. Ngayon ko lang din nakita na ganung maningkit ang chinito nyang mata at nagpipigil ng galit. Oh sorry na Kent.

"Kung kailang mas mahal na kita saka ka aalis at iiwan mo ko? Shet! Para mo na kong niloko Sophie" sabi nya at halos masuntok pa yung kalapit nyang pader sa sobrang inis o galet. Naiiyak nga yung tone nya at may nangingilid na luha sa mata nya.

"Para san pa na mahal kita kung mawawala ka din sakin? Pinagmukha mo lang akong tanga ee!" sabi nya at tumalikod na

"Kent!" habol ko saka yumakap sa likod nya.

"Sorry" Same scene na ginawa at sinabi ko kay Josh.

"Its too late." sabi nya saka nya tinanggal yung kamay ko at saka padabog na lumabas ng pinto.

[ Play Apologize ~ The Kitchen Musical version While Reading this part! ]

Naiwan akong nakatayo malapit sa may pinto na umiiyak. Gusto kong habulin si Kent para makapagpaliwanag kaso hindi ko alam kung san ko sya hahanapin.

Living With the Four Tigers [UST Growling Tigers Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon