Sophie's Point of View.
Phone ringing.
"Hello?" grogeng bati ko sa kabilang linya.
"Hello Bae? Akala ko ba magjo jogging tayo?" Nagulat ako kasi boses ni Kent yung nasa kabilang linya. Nakalimutan ko na magjo jogging nga pala ko or kami.
"Im sorry. Palabas na ko" sabi ko at nagayos na ko ng sarile ko. Kahiya. Ako yung mismong nagaya at ako pa mismo ang na late. Punctuality Sophie. Nakakahiya sa mga kasama mo. Tsk
Paglabas ko ng dorm. Nandun na sila kumpleto pa. Silang apat talaga ang sasama sakin sa pagjog? Akala ko si Kent at Kevin lang. Okay na din yun. The more the merrier ika nga.
"Sino yan?" tanong ni Kevin nung may kinausap ako sa phone.
"Ah wala. Kaibigan ko lang. Hindi daw sya makakasama magjog ee." sagot ko.
"Okay tara na?" sabi ni Kevin at nagsimula na kami magjogging. Simpleng jogging lang naman kasi may open oval sa malapit sa dorm namin at dun ako nagjo jogging. I put my earphones and started to play songs on my iPod. Nagsimula na kaming tumakbo at magpapawis. Nasa unahan ako at nakasunod sakin yung apat. Its kinda awkward na para kong tumatakbo na may kasamang body guards. Que gwa gwapong bouncer naman nito.
After ilang laps ay sumabay na sakin si Kent at nakipagkwentuhan na so i put off my earphones.
"Lagi ka bang nagjo jogging?" tanong nya.
"Oo. Depende kung hindi tinatanghali ng gising" sagot ko.
"Gusto mo lagi kitang sasamahan?" sabi nya
"Ikaw bahala. Sorry late ako kanina Hubby." i said and nagtawanan na kami. Ngayon ko lang kasi sinakyan yung 'callsign' nya.
"Sasamahan din kita" sabi ni Kevin na nasa gilid ko na din
"Kayo bahala" sabi ko.
Nung napagod na kami. Umupo muna kami sandali sa may nakapwestong bench at nagpahinga. Hingal na hingal nga ako sa totoo lang. Sila parang wala lang. Sanay na kasi dahil lagi naman nila tong ginagawa kapag may drills sila.
Magkatabi kami ni Kent at nasa gilid ko naman sila Aljon at Kim na tahimik lang at hindi kumikibo mula kanina. Malamang napilitan lang to nung dalawa.
Its 6:30 nung dumaan muna kami sa may malapit na starbucks para mag coffee. Its epic nga lang kasi nakalimutan ko yung wallet ko.
"Its okay. I shoulder it" sabi ni Kent
"Hindi ako na. Libre ko na kayo lahat" sabi ni Kevin
"Wow Paps. Ikaw manlilibre? Ano nakain mo?" asar ni Aljon.
"Sagot ko na lahat ng gastos mo Sophie. Bahala na sa buhay yang mga yan." Sabi ni Kevin. Nagpapalakas ata.
"Dami mong satsat. Tara na Bae." sabi ni Kent at may binili ng kape.
Boom Basag si Kevin. Nakakatuwang magasaran tong mga toh. Parang mga bata na ewan.
Nung nakauwe kami sa dorm. Nagprepare na sila kasi may drills daw sila ng 8am tapos 9am ang pasok ko. May oras pa ko para magpahinga kahit sandali at makagawa ng ilang school works. Yung apat naman nagsiligo na at naghanda na para sa training nila ng basketball.
8:30 nung lumabas ako ng kwarto ko at naabutan ko si Kevin na nakaupo dun sa may sala.
"Akala ko ba may drills kayo?" tanong ko habang nagpapatuyo ng buhok gamit ang towel.
"Hinihintay kita. " Sagot nya. Nakadrugs ata to
"Bakit mo ko Hinihintay? May ano?" tanong ko. Seryoso ano naman kaya ang paandar nito?
"Hahatid kita." Sagot nya kaso may nakatawag ng attensyon ko sa may gate.
"Wag na. Meron na ee" sagot ko at lumabas ako ng gate para pagbuksan ko si Joshua.
Joshua Torralba. Green Archers. mag Bestfriend kasi kami and sa kanya ko nagpapasabay mag jogging minsan or sa kanya ko sumasabay kapag pumapasok sa school. At first hindi ko alam kung ano yung magiging reaction ni Kevin kapag nakita nya si Josh and of course Josh reactions kapag nalaman nya na ka dorm ko si Kevin at ilang tigers.
"Sino yan?" tanong ni Kevin
Nagkatinginan ng masama sila Kevin at Josh. Sabi ko na nga ba ee. Iba ang magiging reaction nitong dalawa. Its funny that Im like watching a trading card game anime. Si Josh yung Archer tapos papanain nya si Kevin na tiger. I stoped that stupid idea.
"Bakit may kasama kang tiger?" tanong ni Josh at mukhang nababasa ko ang nasa isip nya.
"Josh its not what you think. Were boardmates. Sorry ngayon ko lang nasabi kasi kahapon lang sila lumipat" paliwanag ko.
"I trust you Sophie." sabi nya. Hingang malalim
Kent Lao Point of View.
Medyo ganado kong mag drills ngayon lalo pa't nakahanap ako ng inspirasyon sa paglalaro. Kung si Sophie ba naman na lagi mong makikita sa dorm mo eh hindi ka pa sipagin mag drills?
"Talagang nagpaiwan si Ferrer sa dorm aa?" sabi ni Aljon. Hanudaw? Bwisit na yun. Hindi talaga papatalo ee noh?
"Malakas ang tama kay Sophie" sabi ni Kim at tumawa pa.
"Ui selos din sya." Asar ni Aljon
"Selos ka dyan?" patay malisya ko na lang din pero deep inside oo. Nakakapagselos na mismong kaibigan ko pa magiging karibal ko kay Sophie.
"Paps. Babae lang yan. Wag nyong hayaan na masira ang samahan natin dahil lang kay Sophie" paala sakin ni Aljon bilang sya ang team captain.
"Yes papi." sagot ko na lang
Patapos na yung training nung dumating si Kevin na halatang badtrip. Mukhang hindi maganda mood dahil kunot ang noo nung lumapit samin.
"Oh ano? Bakit ganyan mukha mo?" tanong ni Kim
"Badtrip pre!" sabi ni Kevin at sinuntok pa yung bleachers.
"Bakit paps?" tanong ni Aljon
"Kilala nyo ba si Joshua Torralba?" tanong nya. "Yung mokong na yun mukhang nililigawan si Sophie ee!" asar na sabi nya.
"Suko ka na pre?" tanong ni Kim
"Hindi noh." sagot ni Kevin with his full fighthing spirit. Hindi talaga magpapatalo tong higante na to. Figther talaga. Syempre ako pa ba? Papatalo din ba ko kay Sophie?
"Kami magkasama ni Sophie sa bahay kaya mas madalas kami magkasama." Sabi ni Kevin pampalakas ng loob.
"Eh lagi ding magkasama sa school sila Joshua at Sophie paps." bwelta ni Aljon
"Panira naman to ee. " asar na sabi ni Kevin
"Kahit naman sa bahay may karibal ka ee." sabi nitong si Kim at tinuro pa ko. Pahamak din tong intsik na to ee.
"Brad. Naiintindihan ko naman. Parehas tayong lalaki kaso lang parehas din tayo ng babaeng gusto natin. Eto lang masasabi ko. May the best man win pare. Kung sayo mapupunta si Sophie tatanggapin ko. Alam kong nasa mabuti syang kamay pero kung mapunta man sya sakin sana ganun ka din" sabi ni Kevin
"Oo brad. Walang problema" sagot ko. Ganun naman kapag mahal mo ang isang tao ee. Willing kang i give up sya kung kailangan. The same hot boiling water that softened the potato. Hardened the egg. Kung ano magpapasaya sa kanya ay sya namang magpapalungkot sayo. Napahugot tuloy ako ng wala sa oras. Tama ba analogy ko?
In the end nag shake hands at brotherly hug kami ni Kevin. "May the best man win." sabi namin sa isat isa.
BINABASA MO ANG
Living With the Four Tigers [UST Growling Tigers Fanfiction]
RomanceWhats the feeling if youre living in a dormitory with Kim Kaizen Lo, Kent Lao, Aljon Mariano and Kevin Ferrer as your boardmates?