Sophie's Point of View.
Around 4pm nung nakauwe ako sa dorm. Naabutan ko din yung apat na nasa sala at nanunuod ng adventure time. Akalain mo yun? May pagkaisip bata din pala tong mga to? Ibang klase. Dumerecho na ko sa kwarto ko para magbihis at magpahinga. Nakahiga ako sa kama nung pumasok sa isip ko na mag grocery muna dahil out of stock na yung ref. Kailangan ko ng mamili ng makakain 'ko' oo. Akin lang. Bahala sila sa buhay nila.
Palabas na ko ng dorm nung hinarang ako nila Kent. "Maggagabe na aa? San ka pupunta?" tanong nya.
"Ahh maggro Grocery lang. Wala ng stock ng food sa ref. ee" sagot ko.
Napalipbite muna sya saka sinabing "Samahan na kita" sabi nya. "Mamimili din ako ng makakain. Ahh Boys! May papabili ba kayo? Maggro grocery kami ni Sophie ee." sabi nya at tinanong yung tatlong nanunuod naman ng UFC. From pambatang palabas to brutality. Matinde
Pinatay ni Aljon yung TV at tumayo sila. "Sasama kami" sabi nya.
Okay. Sa Kotse kami ni Kent sumakay papunta sa may SM Hypermarket sa may hindi kalayuan. Pwede namang lakarin actually. Sosyal lang talaga tong mga kasama ko at de kotse pa.
Nagpark kami ng kotse sa may likod at pumasok sa may exit. How rebelious was that? Terribly epic. Napapafacepalm na lang ako sa mga kasama ko.
Pumunta muna kami sa mga dry goods. Namili kami ng mga kailangang ingredients kung magluluto. Saka kami dumerecho sa mga frozen goods. Parang halimaw na kumuha ng ilang kilong hotdog tong si Kevin. Wow lang.
Dumerecho kami sa meat station after that. Namili kami ng ilang cuts ng baboy at manok na pang adobo. pang afritada o kung ano pwedeng iluto. Nakakatawa nga na si Aljon na daw ang magiging chef sa bahay at sya na ang magiging tagaluto namin. Para kaming mga adik sa grocery. Just like normal teenagers na nagtatawanan at kapag may nakitang CCTV ay kakaway. Humirit pa nga ng selfie tong si Kent ee. Dahil dun napuno ng selfie namin yung phone ko. Langya may sarile namang mga cellphone sakin pinagtripan.
Nakadalawang cart kami sa mga pinamili namin. Baka nga iniisip nung cashier na end of the world na at nagpapanic buying na kami. Lame idea Sophie. Kulang pa nga yan sa apat na 'tigreng' kasama mo ee.
Nagkatalo talo na nung bayaran na. "5,678 Pesos Sir" Si Aljon na nasa unahan ay umurong na. Knowing him. Mukhang kuripot ang isang to. Tsk.
Naglabas si Kim ng 2000. 1500 sakin. 2000 kay Kent at tumatagingting na 150 kay Kevin at 100 kay Aljon.Kuripot much.
"Daya nyo naman mga papi. Kayo tong malakas kumain tapos kayo pa tong kay laki ng binigay aa?" sarcastic na sabi ni Kim
"Excuse me." sabi nung cashier. "Kayo yung mga players ng UST diba? Wow. Nice to meet you." dagdag nya. Syempre kinilig naman ang mga george. Edi sila na sikat. Wala na kaming pakialam kahit na crowded na yung mga nasa likod sa pila dahil lang dito sa apat. Epicness talaga.
Bitbit ko yung ilang pinamili namin. Yung magagaan lang actually. Sila Kent at Aljon yung nagdala ng mga mabibigat at kay Kevin yung isang kabang bigas.
"Bagay sayo paps. Mukha kang kargador" asar ni Aljon.
"Eh sino ba kasi nagsabi na buhatin mo? Aanhin pa yung cart?" tanong ni Kim. Kaso huli na ee. Kung kelan nakalabas na kami saka naalala ni Kim o sinadya lang talaga nila na pahirapan si Kevin. Mga luko talaga.
Sinakay na namin sa kotse yung mga pinamili namin. Sakto lang sa kotse yung mga groceries. Walang sasakyan yung tatlo.
"Mauna na kami ni Sophie sa Dorm. Magcommute na lang kayo. Saka bumili kayo ng shakeys aa! pambawe nyo" bilin ni Kent at nagdrive na sya pauwe sa dorm
BINABASA MO ANG
Living With the Four Tigers [UST Growling Tigers Fanfiction]
RomanceWhats the feeling if youre living in a dormitory with Kim Kaizen Lo, Kent Lao, Aljon Mariano and Kevin Ferrer as your boardmates?