Nang mag-lunch, sabay-sabay na kaming lumabas ng room nina Acer at Cads.
"Anong kakainin niyo?" tanong ni Cads sa amin pero hindi na ako sumagot pa rito sa 'di malamang dahilan at nagpatuloy na lang sa paglalakad patungong canteen kasama ang dalawang kaibigang lalaki.
Nasa gitna nila akong dalawa. Wala sa sarili akong lumipat sa gilid ni Acer at agad kong narinig ang pag-singhap ni Cads sa ginawa ko.
"Oh, ba't ka lumipat diyan, Adi? Dito ka sa gitna namin!"
"Mas.. may madadaan ditong silong," maikling palusot ko at tumahimik na ulit.
Tumingin din sa akin si Acer na nakakunot na ang noo. "Hinaharangan naman palagi ni Cads ng kamay ang ulo mo kapag naiinitan ka, Adi."
I cleared my throat and acted busy looking on the kiosk, meters away from us. "Mainit pa rin."
"At ngayon mo lang na-realize 'yan sa buong 6 years nating pagka-kaibigan?" natatawang tanong ni Cads pero ramdam doon ang kaunting pagka-sarkastiko.
Hindi na ako sumagot pa at nauna na lamang na mag-tungo sa canteen tsaka umorder ng lunch ko bago pa siya mag-salitang muli. Nag-order lang ako ng paborito kong tapsilog dahil kahit mura ay masarap naman.
Nakasunod lang sa akin ang dalawa sa likod at hindi na ako inimikan pa na siyang ipinagpapa-salamat ko talaga.
Nang next na ako ay ibinigay ko na sa babaeng nagse-serve ng pagkain ang papel kung saan nakasulat ang order ko. I waited for minutes before I finally got my lunch. I thanked her before leaving the two behind me.
Tumaas na ako sa pangalawang palapag ng canteen at nag-simulang kumain sa table na nasa bandang gilid.
Ilang minuto lang ay narinig ko na kaagad ang dalawa na papalapit sa table kung nasaan ako nakain.
May lumitaw na bote ng malamig na juice sa harap ko. "Hoy, Adi. Meron ka ba ngayon kaya malamig ka sa'min?"
"Anong malamig?" pa-inosente kong tanong kay Cads na umupo sa tabi ko samantalang si Acer naman ay umupo lang sa unahan at minamata kami ng tahimik.
Umismid ang lalaki sa akin bago buksan ang juice na ibinili sa akin at nilagay sa harapan ng plato ko. "Cold. Ang cold mo after noong activity natin sa Filipino."
Tumango lang ako rito at ipinagpatuloy na lang ang pag-kain. Tinitigan niya pa ako saglit bago bumuntong-hininga at kumain na rin.
Tahimik kaming bumalik sa room pagkatapos naming kumain ng lunch. Nang maalalang TLE na ang next subject namin ay pumunta na ako sa locker ko para sana kuhanin ang libro ko roon pero nagulat ako ng tumambad sa akin ang isang supot ng plastik na may large milktea sa loob at sa unang tingin pa lang ay alam kong Wintermelon na kaagad ito na siyang paborito ko naman sa lahat ng flavor ng milktea na natikman ko.
Nagtatakang kinuha ko iyon at nakitang may note na nakadikit sa plastik.
I feel awkward if i'll give this to you in person, Adira. I missed you. Have a great day with your fav milktea :)
- Xy
My eyes widened in fraction when I already knew who gave me this. I suppress a smile with his note. Parang kanina lang ay bad mood ako pero ngayong may nagbigay na sa aking milktea, okay na pala ako.
Nakaramdam ako ng ihi pero may nagamit pa ng restroom. Kinatok ko iyon at ang sumagot ay si Romano na natawa sa loob ng restroom.
"Sa baba ka na lang, Adi! Nakikipag-usap pa ako kay Kuya Big Brother dito!"
Napahalakhak ako. "Sige, bilisan mo diyan sa confession room ni Kuya at baka i-evict ka ng housemates natin sa baho ng jebs mo!" sakay ko sa biro niya na siyang itinawa niya lang lalo.
BINABASA MO ANG
Scars of the Past ✓
RomanceHASHI CADEZALA MORALES (CADS) [unedited] "We might have been scarred by the past, but always remember to think about the things that we have learned during the process.." Status: Completed ✓ Started: April 6, 2021 Ended: July 24, 2021