"Maximous! Finally!" bati ko at niyakap siya. "Amoy States tayo ah?"
We both laughed before we went inside a fine dining restaurant. He pulled a chair for me and I thank him before sitting on my seat.
Nang makaupo siya sa harap ko ay pinagsalikop niya ang mga kamay at tumingin sa akin. "Long time no see, huh?"
I smiled. "Yup! Ano ng balita sa'yo? Sobrang busy mo na, 'no?"
Tumango siya at natawa. "Yes, been hectic attending some duties at work."
My mouth formed into 'o'. "Buti nakauwi ka na. I haven't seen you for years! Noong bakasyon ko pa after 1st year of college ko!"
He pouted. "Been busy, sorry."
"It's alright. I know you have some business to attend to!
"So how's life? Are you getting married with your boyfriend now?" kumunot ang noo ko sa tanong niya.
"Huh? Wala akong boyfriend, 'no!"
Kumunot din ang noo niya. "Then where's the dude you're always with when you're still on highschool? I think his name's Cads? Hindi ba kayo nagkabalikan noon?"
Natahimik ako bigla. Ah, oo nga pala. Minsan nakikita niya rin noon si Cads na kasama ko sa school o kahit saan mang lugar. At noong nagkakita kami ulit dati, akala niya siguro nagkabalikan kami ulit ni Cads.
Nagkibit-balikat ako. "We already broke up, matagal na. Besides.. he already have his own family now," sagot ko at itinutok na lamang ang tingin sa menu na nasa table namin. Namili ako ng mga pagkaing gusto kong kainin ngayon. We're now having some lunch here in Tagaytay. Ako ang namili na dito na lang kami kumain dahil noon ko pang gusto pumunta rito. Gusto ko nga sanang yayain sina Lara kaso palagi naman silang busy at kapag nagkakaroon man ng oras, palaging sa malapit na lang kami gumagala at kumakain.
Ito namang si Maximous, last week pa kasi noong nalaman kong pauwi na siya. He messaged me that he'll fly back here in the Philippines na kaya sabi ko sa kanya we should at least meet up dahil baka umalis na naman siya pagkatapos lang ng ilang araw niyang stay dito.
"Oh.. sorry to hear that. You're not saying anything kasi sa akin kaya hindi na ako gaanong updated," aniya bago itaas ang kamay para sa waiter.
I shrugged my shoulders. "Ayaw ko namang maabala ka pa. Heart broken lang naman 'yon, malayo sa bituka," I chuckled.
"What do you want to eat?" tanong niya kaya't tumingin ako sa menu ulit at sinabi sa kanya ang order ko. Gano'n na rin ang inorder niya para sa kanya at umalis na rin ang waiter pagkatapos noon.
They served some water for us while we're waiting for our order.
"What's the reason for the break-up?" tanong niya at nilapag sa lamesa ang phone niya.
I sighed. "Complicated masiyado. Ayaw ko ng pag-usapan."
He crossed his arms and raised his brow at me. "So pwede na ako?"
Tumawa ako at bahagya siyang sinipa sa ilalim ng mesa. He faked a groan.
"Loko ka. Talaga bang hindi ka pa nakakahanap ng iba?"
Umiling siya at humalumbaba. "Nope, ikaw pa rin."
Umikot ang mga mata ko. "Sorry ka na lang," sabay halakhak ko sa kanya dahilan para ngumuso lang siya at pag-laruan ang tissue na nasa gitna namin.
Noon kasi bago siya lumipad papuntang States, umamin siya sa akin. And unfortunately, I was still vulnerable that year that I just decided to reject him straight-forwardly. I saw him hurted, yes. Pero ayaw ko namang patagalin pa ang nararamdaman niya sa akin kung alam ko naman sa sarili ko na iba ang gusto ko. I don't want him to hurt more if i'll still let him like me. Sabi niya sa akin noon, i-try namin. Kahit sandali lang pero tinanggihan ko na iyon kaagad. Mas lalo lang siyang mahihirapan kung ipipilit niya pa ang sarili niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Scars of the Past ✓
RomanceHASHI CADEZALA MORALES (CADS) [unedited] "We might have been scarred by the past, but always remember to think about the things that we have learned during the process.." Status: Completed ✓ Started: April 6, 2021 Ended: July 24, 2021