"Huy, pakopya naman! Bali katagal magsagot!" angil ko nang nakalipas na ang sampung minuto ay hindi pa rin natatapos ni Acer ang activity na pinapagawa sa amin ni Miss Asero. Kaaalis niya lang kaya may oras pa kami para mangopya.
"Tumahimik ka nga diyan, Adi! Mamaya hindi tayo pakopyahin niyan, 'e. Siya na nga lang ang source of answers natin. Para kang tanga.." sambit ni Cads at sinamaan ko na lamang siya ng tingin.
"Eh kasi naman baka biglang dumating na si Miss! Tayo din ang mawawalan ng sagot!" sagot ko at inuga ang braso ni Acer. He hushed me with his glance and that made me shut up instantly. Napatingin ako sa kaniya. I won't deny that he has the looks, though. But he's my friend so... pass.
"Oh, oh! Nai-in love ka na naman sa kaibigan nating matalino. Tigilan mo 'yan, Adi. 'Di 'yan pwede sa mga pabayang katulad mo!" asar ni Cads kaya agad ko siyang binato ng libro at sumapul naman agad sa mukha niyang pangit din. He muttered a curse under his breath as I earned a glare from him.
"Makasabi ka ng pangit diyan! Bakit? Mukha ka lang namang paa ni Acer, 'no! Ay hindi, mukha ka lang palang kulangot niya!" sabay tawa ko pero agad na napa-ungot ng lagyan niya ng binalot na papel ang bibig ko.
Muntikan pa akong hindi makahinga sa kakaubo dahil sa ginawa niya! Ang walang hiyang ito!
"Here's the answer, guys.."
Agad naming hinablot iyon at dali-daling kinopya ang mga sagot ni Acer. Rinig namin ang kanyang buntong-hininga at bumalik na sa pagbabasa ng libro namin. Teka.. nag-advance reading na 'to kanina ah?
"Hoy!" binatukan ko si Acer at nagulat naman siya roon.
"What?" nagtataka ngunit malumanay ang kanyang pagkakatanong sa akin.
"Nagbasa ka na kanina ng notes ah! Lang'ya, baka sukuan ka na ng grading system ng school natin! Hinay-hinay lang naman!" singhal ko at tumawa silang dalawa.
Ngumuso ako at humalukipkip.
'Yung totoo, paano niya nagagawang magbabad sa pag-aaral? Samantalang kami ni Cads, wala pang limang minuto sa pagbabasa o pagre-review, nagda-daldalan na lang kami dahil wala talaga kaming interes magbasa pagdating sa mga libro ng school!
"MAPEH 'yung binasa ko kanina, Adi. Research na ang binabasa ko ngayon.."
Anong binasa niya sa book ng MAPEH?
"Grabe ka, pare. Nahiya kaming mga bobo sa'yo. Sinasamba ka talaga namin, lods!" naka-ngiting sambit ni Cads at nakipag-apir kay Acer.
"Matalino naman kasi talaga kayo, sadyang pinapa-iral niyo lang ang katamaran niyo kaysa ang kasipagan."
"Ouch, gago. Sapul na sapul ang buong pagkatao ko ro'n, Acer," eksaheradang wika ni Cads.
Ngumuso ako. "Wala kasi akong inspiration.. nakakaawa na ang sarili ko lalo. Wala na akong tinatanaw sa labas ng classroom natin," pagdadahilan ko sabay buntong hininga.
"Anong inspiration? Lugi naman ata sila para maging inspiration mo, Adi. Tsaka tamad ka naman talaga kahit may crush ka!" tuloy na pang-aasar sa akin ni Cads.
"Alam mo?"
"Ano?"
"Tangina mo!" sigaw ko. "Lumayo ka nga sa'kin!"
"Oo na, boss! Highblood masiyado nito, baka mamaya duguin ka bigla diyan."
"Pakyu."
"Kainan na!!" sigaw ni Cads ng matapos ang klase namin sa umaga at oras na sa lunch.
Nandito pa rin kami sa classroom at nagliligpit na lamang ng mga gamit para ibalik sa kanya-kanya naming mga bag.
"Pwede bang manahimik ka kahit sandali lang, Cads? Naririndi na ako sa'yo," anas ko.
BINABASA MO ANG
Scars of the Past ✓
RomanceHASHI CADEZALA MORALES (CADS) [unedited] "We might have been scarred by the past, but always remember to think about the things that we have learned during the process.." Status: Completed ✓ Started: April 6, 2021 Ended: July 24, 2021