// Chapter 27 //

193 10 1
                                    

Table

"Adira!" I quickly changed my mood as soon as I saw Cads' walking towards me. Nang tuluyang makalapit sa akin ay inakbayan niya ako at malawak na nginitian. "Morning!"

I chuckled to hide my sadness. "Morning din, saya natin, 'a?"

He pinched my nose. "Wala lang, good mood lang pagkagising."

Papalakad na kami papasok ng room nang makita ko si Dacia na pasilip-silip sa classroom namin habang nasa labas.

"Wait lang, Cads. Mauna ka na."

"Huh? Bakit?"

Tinuro ko si Dacia kaya dumako roon ang tingin niya. His mouth formed to 'o'.

"'Yan ba 'yung batang may gusto kay Ezekiel?"

I nudged him on his ribs. A pout etched on his face. "Makabata ka naman. Kaunti lang naman tanda natin diyan!"

"Sorry na. Ito na nga papasok na. Highblood agad, 'e."

Inirapan ko na lang siya bago lapitan si Dacia. Her eyes widened upon seeing me in front of her. Bakit siya nandito?

"Hala, Dacia. Hindi dito classroom ng crush mo," I teased her and laughed.

Dacia's cheeks turned into crimson. "Ate, hindi po si Ezekiel ang hanap ko.. kayo po sana," she bit her lips.

My hand flew on my mouth. "May gusto ka sa'kin, Dacia? Nako, may gusto na akong iba, 'e," I kidded.

Her cute eyes widened in shock before dismissingly shook her hands on me.

"Ate! I don't like you! — " nanlaki ang mga mata ko at siya nama'y napatakip ng bibig. "No! I mean, hindi po kita gusto, 'yung as in as a lover. Sorry po, i like you po as an Ate," she bit her lips and casted her gaze downwards.

I laughed. "Joke lang. Sige, ano bang sasabihin mo, Dacia?"

She looked at me and cleared her throat. "Uhm, I already bought a headphone for him po kasi.. uh, tanong ko lang po if saan po 'yung bahay niya? Iiwan ko na lang po sana sa tapat ng door or gate nila. Nakakahiya po kasi in person," Dacia hesitatedly asked me.

I cocked my head to the other side. "Grabe, binilhan mo talaga, Dacia?" gulat kong tanong. "Yung original?"

Kasi hindi naman biro ang halaga ng headphones 'no! Hindi ko naman akalain na kakagatin niya 'yung suggestion ko! To think na mahal nga iyon, i thought she'll just settle for things that have much lower prices and just decline my suggestion! God.

Alam ko namang may pera naman talaga sila pero.. mahal pa rin 'yon, 'no! Tsaka mamaya 'yung pagbibigyan niya, mayroon naman palang nobya. Ako pa ang malagot.

"Yes po, Ate. It's original. I don't give out cheap gifts for someone, not to be mean po but.. i always prefer buying expensive things so they can appreciate it," my lips parted.

Hinawakan ko ang magkabila niyang braso at nginitian. "Dacia.. kahit naman mura lang at hindi branded na mga gamit ang ibigay mo, ma-appreciate pa rin naman 'yon ng mga pagbibigyan mong tao kasi you still invested your time and effort para may mabigay kang gift sa taong 'yon."

Haha, back to you, self. Parang natamaan ka ata?

"Kasi Ate my friends can't obviously appreciate my gifts if it's not an expensive one.. I can feel it po even if they are not vocal about what they really think about my gifts po," she stated.

My brows furrowed. "Bakit naman? Kung hindi nila ma-appreciate, kaibigan ba talaga sila? I'm sorry, but no offense."

"True friends ko po sila, Ate. But.. I think they are just used to receive gifts that are much pricey since they are also from a wealthy family so.." she shrugged her shoulders and sighed.

Scars of the Past ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon