// Chapter 15 //

225 9 0
                                    

Band

Noong week na iyon ay puro research lang ang inatupag namin. Minsan ay madaling araw na kaming natatapos lalo na noong huling araw bago ang pasahan. Ni-double check talaga naming mabuti ang buong manuscript para mabago agad ang mga mali sa ginawa namin. Nang tuluyan ng matapos ay ipinasa na namin ito at namuhay na ng payapa.

Not until the defense came.

"Chill, Adi," natatawang kalma sa akin ni Cads at hinagod ang likod ko. I heaved a sigh and bit my lip.

"Paano ako kakalma? Nasa panel 'yung teacher nating terror!" I shut my eyes and tried to recite what I memorized again inside my mind.

"Kaya nga, Hashi! Bakit ang kalmado mo diyan?" pagsang-ayon sa akin ni Odessa na tinanguan din ni Trisha na namumutla na.

"Bubuhatin ko kayo kapag 'di kayo nakasagot. Trust me," confident na sambit ng lalaki at ngumisi.

Umismid ako roon. "Duda ako riyan. 'Wag kami, Cads."

He pushed me a bit. "Don't you trust me? Ipapakita ko sa inyo mamaya," aniya.

Napailing na lamang kami dahil halatang joke niya lamang iyon. Ni hindi ko nga siya nakitang nagbabasa man lang ng gawa namin!

"Why did you conduct your study?" tanong ng isa sa panel at ramdam ko kaagad ang abnormal na pagkabog ng puso ko!

Pakiramdam ko'y mahihimatay ako ng wala sa oras dito!

Sasagot na sana ako ng maunahan ako ni Cads. He stood straight beside me and smiled.

"The reason why we all conduct this study is to see how broadcasting media affects a student's speaking skills and will this affect a student to have a better and improved speaking skills or not."

Buong research ay halos siya ang sumagot kapag name-mental block kaming tatlong babae. Sa huli ay sabay-sabay kaming napangiti ng makitang magsi-palakpakan ang mga panel na nasa harapan namin.

"I'm impressed with your presentation! Congratulations for delivering your presentation confidently and detailed."

"Salamat po!"

May kaunting usapan pa kami ng mga panels bago tuluyang makalabas sa room. I immediately squealed and hugged them altogether.

"Congrats sa'tin!" bati ko.

"Ang galing mo dun, Cads ha?" puna ni Trisha at tinawanan naman ito ng lalaki.

"Oo nga! Parang ibang Hashi ang kasama natin kanina! Englishero 'yung nakasama natin kanina!" dagdag ni Odessa.

Ngumisi ng nakakaloko ang lalaki at humalukipkip. "Hindi niyo kasi ako pinapaniwalaan kanina!" pagtatampo nito sabay simangot.

"Hindi naman kasi kapani-paniwala!" Trisha retaliated before she burst out laughing.

"Oh, ano? Kain tayo mamaya sa labas?" aya ni Cads na siyang sinang-ayunan naman namin.

(◍•ᴗ•◍)

Matapos naming kumain ay nagsi-uwian na rin kami. Hinatid pa ako ni Cads bago siya tuluyang nakauwi.

I lied on my bed as soon as I reached my room. I feel drained.

Nag-shower muna ako at nagpalit na ng pambahay bago humiga ulit sa kama. Sinubukan kong matulog pero biglang nag-ring ang phone ko. And when I saw who it was, i picked it up.

"Uh, hello?" I licked my lip and leaned on my headboard.

"Hi, Adi. What's up?" bati niya. Halata ang pagod sa boses nito kaya't napaayos ako ng upo.

Scars of the Past ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon