// Chapter 42 //

224 9 2
                                    

tw: sexual harrassment,
a bit violence and foul languages

--

Baril

"Kamusta 'yung inuman niyo kagabi?" tanong ko habang kumakain ng umagahan. We were in a fast food chain right now. Tinawagan ako ni Cads kanina dahil gusto niya raw akong makasamang kumain ng umagahan. Sinundo niya ako at pumunta rito.

Hindi ko na rin naabutan kanina si Acer dahil tulog na ako noong umalis siya. He just left some note on my desk saying that he already left. Maging ang hinigaan niya rin sa sahig ay inayos niya na pati ang mga nakakalat kong gamit sa desk ko. Gumising na lang ako na meron na akong kumot sa katawan. Nilagay niya siguro sa akin pagkatapos niyang ligpitin ang pinaghigaan niya kagabi.

"Okay naman. I have fun," kumibit balikat siya at humigop sa kape niya. I looked up to him and nodded.

Parang kumirot ang puso ko sa sinabi niya. What did he say? He had fun?

"Ahh.. gano'n ba? Masaya naman kasama mga kaklase mo?" tanong ko bago punasan ang gilid ng bibig.

He didn't look at me when he replied. "Okay... naman."

"Kasama ko si Aced kagabi," I told him and sipped on my coffee. Doon ko na siya nakitang nag-angat ng tingin sa akin. Kumunot ang noo niya at ikiniling ang ulo.

"Kasama mo siya kagabi? Anong ginawa niyo? Bakit hindi niyo ako tinawagan?" sunod-sunod na tanong niya.

"You seems having fun last night kaya hindi ka na namin tinawagan. Tsaka.. biglaan lang din naman 'yon," I looked down on my food and continued eating just to divert my gaze from him. Ayaw kong masaksihan kung gaano siya mag-taksil sa akin.

I waited for him to speak up about the picture I saw last night pero hanggang ngayon, wala pa rin. Hihintayin ko ang paliwanag niya hanggang mamaya. Kung hindi talaga siya magpa-paliwanag sa akin, hindi ko na alam.

I'm already giving him his chance kaya sana ay huwag niya ng sayangin. 'Yung tiwalang binibigay ko sa kanya, sana huwag niyang sirain dahil mahirap na ulit na mabuo iyon kung wawasakin niya lang kung sakali.

"Pero sana tinawagan niyo man lang ako, Adira. Pwede naman akong umalis kahapon para puntahan kayo," nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Eh ako? Bakit hindi mo ako tinatawagan kagabi? Nage-enjoy ka ba sa alak o sa ibang tao?" napatikom ako ng bibig nang dumulas ang mga salitang 'yon sa bibig ko. Agad kong ibinagsak sa pagkain ko ang tingin at hindi na dinugsungan pa ang sinabi. He looked so guilty just by looking at him. It was more proven when he looked away from me.

Mas kumirot ang dibdib ko roon. Totoo bang ginawa nila 'yon? Totoo bang nagloko siya sa akin?

Bakit? Kulang pa ba ako?

"Hindi kita matawagan kagabi kasi kinuha nila 'yung phone namin.."

Pagak akong natawa at nag-angat ng tingin sa kanya. "Gusto mong tawagan kita para malaman mong kasama ko si Acer pero ang sabi mo ni-confiscate ang phone niyo? So paano mo malalaman na tinatawagan kita kung wala naman pala sa'yo ang phone mo? Naglolokohan ba tayo rito, Cads?!" nagsisimula nang tumaas ang boses ko dahil sa inis sa sinasabi niya.

Pinagmumukha niya na akong tanga!

Cads reached for my shoulder to calm me down but I swatted it away from me. Lumingon-lingon siya sa paligid at may mga ibang tao nang nakatingin sa table namin.

I slumped on my seat and calmed myself down.

"Look, tapusin muna nating kumain bago natin pag-usapan 'to."

Scars of the Past ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon