// Chapter 38 //

190 6 1
                                    

Last

Naramdaman bang parang nag-iisa ka na lang sa mundong tinatapakan mo? Na parang wala ka ng ibang kasama kundi ang sarili mo?

Hindi pala madaling kalimutan ang mga alaalang pilit na tumatatak sa isipan mo. Parang gusto mo na lang mauntog at makalimutan ang lahat.

I calmed myself and sat on the grass.

Nasa batis ako ngayon malapit sa amin. It was a solemn place so I decided to stay here for a bit to release my tears, my thoughts and myself. Tanging ang agos lamang ng malinis na tubig sa batis ang maririnig sa lugar.

Mapuno rito pero ang paligid ay malinis. Siguro'y may naglilinis dito palagi kaya wala masiyadong kalat ang paligid.

I sighed and dipped my toes on the water. I scooped a palms of water  before washing my face to wake myself up. Pumikit ako at mas dinama ang sariwang hangin galing sa mga puno na nakapaligid sa batis.

This is what I wanted. Gusto ko munang mapag-isa. Gusto ko munang malagay sa tahimik na lugar. Gusto ko munang intindihin ang sarili kong nararamdaman at naiisip.

I covered my face with both of my palms. Binasa ko ang leeg at hita ko. Bahala ng mabasa. Ayaw kong mag-iiwan siya ng marka sa kahit anong parte ng katawan ko.

I feel so disgusted with myself. Nakakadiri.

I fanned myself when hot tears started welling up in my eyes again.

"Ugh, what the hell. Stop crying, idiot," I whispered to myself but I just can't refrain myself doing it. I already broke down.

Umiling ako at pinunasan ang luha ko. Barado na ang ilong ko sa kakaiyak. Humahapdi na din ang mga mata ko dahil kanina pa bumubuhos ang mga luha ko.

Nahihilo na ako pero hindi ko talaga mapigilan. Pilit kong naaalala ang mga nangyari.

Sinabunutan ko ang buhok ko at sumigaw ng malakas. Humiga ako sa damuhan bago ipatong ang isang braso sa mukha. Nagpatuloy ang pag-hikbi ko.

Mababaliw na ata ako.

I unconsciously touched my chest. I tightly gripped on my shirt and bit my lip. "Fuck this life.."

(◍•ᴗ•◍)

Gumising akong sobrang sakit ng ulo. I held my head and groaned in pain. My eyes are still shut. Ang sakit ng mga mata ko. Ang sakit ng buong katawan ko lalo na ang likod.

"Luv.." ang akmang pagkusot ng mga mata ay nahinto. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang seryosong si Cads.

Naka-upo siya sa isang silya at mukhang kanina pa ako binabantayan dito. Napakurap-kurap ako roon bago ko nilibot ang paningin sa lugar kung nasaan ako ngayon.

Nasa.. kwarto niya ako.

"Bakit ako napunta rito?" malamig kong tanong at iniwas ang tingin sa kanya.

"Sinundan kita.. naabutan kitang nakahiga sa damuhan habang bumubuhos ang ulan," umiling siya at bumuga ng hangin.

Napatingin ako sa damit ko at pansin ang kaibahan nito sa suot ko kanina. It was changed to an oversized t-shirt now and a varsity shorts. Tiningala ko siya at nang matunugan niya ang nagtataka kong itsura ay bumuga muli siya ng hangin.

"Huwag kang mag-alala, hindi ako ang nag-palit sa'yo ng damit. Si.. Mama. Pero umalis na siya kanina pa."

Tumango ako at umalis na sa kama. "Salamat sa pagdala sa'kin dito. Uuwi na ako — "

"Sinabi ko na kay Tita Hershey na dito ka muna.." natigilan ako sa sinabi niya. I turned to him and my stoic face remained.

"Hindi. Uuwi na ako."

Scars of the Past ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon