Litrato
Lumipas ang ilang linggo pero walang nagbago. Yes, napapasama na ulit sa amin kumain si Cads if magkakasundo ang oras namin but not all the time ay ganoon kaya tuwing uwian na lang kami nagkakasama ng medyo matagal. Minsan nga ay mas nauuna pa ako sa kaniya dahil hindi pa sila tapos sa klase.
"Adi!" bati ni Niall. I smiled when I saw Cads' friends behind him.
"Uy! Ngayon lang tayo ulit nagkita since pasukan ah?" bati ko sa kanila.
"Busy agad, 'e. Masiyadong hot sa activities prof namin," sagot ni Sonic at tumawa.
"Si Ice nga kanina napatayo pa kasi hindi nakasagot sa recit!" asar ni Nyro at tumawa.
Ezekiel and Ozen just nodded at me and smiled. Palagi talaga silang tahimik.
"Musta naman ang senior high, Adi? Kaya pa?" Sonic joked and draped his arm on my shoulder.
I chuckled. "Kinakaya pa naman."
Luminga-linga siya sa paligid. "Asan pala si Cads? Hindi nagpaparamdam 'yun, 'a?" puna ni Nyro at ibinalik ang tingin sa akin.
Hilaw akong ngumiti. "Busy din siguro."
"Siguro? 'Di kayo nagtatawagan?" tanong ni Niall.
Umiling ako. "Nagtatawagan kami pero minsan hindi lang talaga nagsa-sakto sched namin dito sa school para magkita since magkaiba kami ng strand," I shrugged.
Tumango sila. "'Yan ang hirap sa magkaibang strand, 'e. Kaya nga 'di muna ako humahanap ng girlfriend," iiling-iling na sambit ni Ice.
"Ulol, walang namang may gustong magpahanap kung sakali, Ice," asar ni Nyro. Pabiro itong sinapak ni Ice sa dibdib at tumawa.
"Gago ka, p're. Walang personalan, 'o."
"'Yang si Ezekiel! Namomroblema sa alaga niya!" singit ni Niall at tinuro pa ang tahimik na si Ezekiel. Hinarap namin ito at nagtawanan.
Ezekiel just raised his brow at him, wearing his serious look. Agad na umatras si Niall at tumawa.
"Joke lang, pare. Ayoko pang mamatay. Chill."
"We're still working, though.." sagot naman ni Ezekiel at kumibit-balikat. He slowly glided his tongue on his bottom lip and smirked.
Sumimangot si Niall. "Yabang! Porke't patay na patay sa'yo si Dacia gan'yan ka na," bitter na sabi ni Niall at umirap pa.
Nagulat ako roon. "Kayo na ni Dacia?" tanong ko.
"'Di mo alam, Adi?" tanong ni Sonic at humalakhak. "Nakadali na ng bata 'yan, 'di mo pa alam?"
"Shut up, Sorcer Nicholli," pikon na saad ni Ezekiel bago pasadahan ng kamay ang buhok nito.
"Woah, buti hindi nagtatampo na lumipat ka dito?" tanong ko sa kanya.
He looked at me. "It's normal to have a fight sometimes.. but i like it more when we're fighting anyway," aniya kaya't napataas ang kilay ko. Aba, ibang klase 'to, ah?
"Nako, nako. Anong away ba 'yang sinasabi mo, Ezerus Kiel, ha? Baka ibang away na 'yan ha," natatawang sambit ni Ice at sinapak si Ezekiel sa braso.
"Away-kama ba 'yan. Bawal 'yon, pedophile ka talaga," asar ni Nyro at nagpakawala ng malakas na tawa.
Ezekiel sneered at them. "You guys are so dirty. Why do I even belong in this group. Such a dirty hoes."
"Stop with those childish acts, guys. Our next subject is already drawing near. Adira," tawag sa akin ni Ozen bago tanguan, tila nagpapaalam na.
BINABASA MO ANG
Scars of the Past ✓
RomanceHASHI CADEZALA MORALES (CADS) [unedited] "We might have been scarred by the past, but always remember to think about the things that we have learned during the process.." Status: Completed ✓ Started: April 6, 2021 Ended: July 24, 2021