Kabanata 3

352 21 13
                                    

"Andiyan na si Miss!"

Parang may dumaang anghel nang marinig namin iyon. Kaagad kaming nag-takbuhan papunta sa mga upuan namin at sabay-sabay na nanahimik.

At doon na nga ang pagpasok ng teacher namin.

"Okay, class! Goodmorning, i have an announcement!" aniya at tinaasan kami ng kilay.

Tahimik lang kaming lahat habang naghihintay sa sasabihin niyang announcement sa amin.

Baka kasi mamaya ay mapatayo pa kami kung sakaling isa sa amin ang mag-salita o tumawa!

Nakakatakot din kasi masiyado ang teacher naming ito.

Bahagyang lumapit sa akin si Cads na kalapit ko lamang sa upuan.

"Gago, baka mamaya sabihin ni Miss nahuli tayong nangongopya, nanginginig na tinggil ko, Adi," bulong niya.

Agad akong yumuko at pa-simpleng tinakpan ang mukha, pinipigilang matawa sa sinabi ng kalapit ko, si Cads na walang hiya.

I simply kicked him under the table and he groaned quietly.

"Tangina mo.." bulong ko at hinampas ang hita niya sa ilalim ng lamesa.

Maging siya ay yumuko na rin at kitang-kita ko ang paggalaw ng balikat niya, tumatawa na naman ng walang tunog ang gago.

"Morales, Demeza, anong nakakatawa sa sinasabi ko?"

Halos mapatalon kami sa galit na boses ng guro at sabay kaming umangat ang ulo at agad na umiling. Ramdam ko ang pagka-putla ko ng marinig ang seryoso ngunit madiing pagkaka-tawag sa amin ni Miss.

"Uh.. kumukuha lang po kami ng papel sa ilalim po ng table, Miss. May.. announcement po kasi kayong sasabihin," palusot ko at tumango-tango naman si Cads.

Shoot. Mai-ihi ata ako ng wala sa oras dito! Hindi pa nakakatulong na napakatahimik sa loob ng room at napakalamig pa dahil sa aircon!

"Opo, Miss. Ite-take down notes po sana namin.." dagdag pa ng kalapit.

Mas lalo akong nanlamig ng tumawa ang ginang ngunit halata mo ang pagka-sarkastiko nito at hindi talaga natutuwa.

"So kukuha lamang kayo ng papel ay parehas pa kayong nakayuko, nangingiti at nanginginig ang mga balikat? Ano kayo nawawala sa katinuan at nauulol sa papel?" marahas na sambit nito at humalukipkip sa harapan namin.

I bit my lip and lowered my head. Ito na nga ba ang sinasabi ko!

Mahinang humagikhik ang mga kaklase namin pero agad na pinatahimik ang mga ito ng ginang.

Nang wala na kaming masagot ay bumuntong-hininga siya. "Cleaners, hindi na kayo mag-lilinis ngayon at papalitan na kayo nina Morales at Demeza. That's your punishment for disrespecting me in front of my class."

I immediately frowned with that. Sinamaan ko ng tingin si Cads na ngayo'y nakasimangot na rin at naka-pangalumbaba sa desk. Rinig namin ang mahinang pagsasaya ng mga cleaners dapat ngayon kaya't napa-irap ako.

Pasalamat kayo at wala kami sa katinuan at nauulol sa papel.

She roamed her eyes around the room and raised her brow more. "If anyone here wants to join Morales and Demeza, feel free to converse with your seatmates while i'm obviously still talking here. Disrespect me more so I could report you to the guidance office," hamon nito kaya nanahimik muli kaming lahat.

This class is what I hated the most! Parang sementeryo na sa sobrang tahimik at parang hindi na klase!

Ilang sandaling katahimikan pa ay nagpatuloy ang guro. "Moving on, may mga officers na maglilibot sa buong campus for the field trip next week."

Scars of the Past ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon