// Chapter 26 //

210 8 0
                                    

Low score

Kinabukasan ay napag-pasyahan ko munang huwag pumasok. I locked myself throughout the day. Tinanong ako ni Mama kung anong problema pero sinabi ko na lamang ay masama lang ang pakiramdam ko at kinagat naman niya ito. Tuwing oras ng pag-kain ay dadalhan lang ako ni Tito Raphael ng pagkain at gamot para inumin.

Of course, hindi ko naman iniinom dahil hindi naman talaga masama ang pakiramdam ko.

Simula kagabi pa nagva-vibrate ang phone ko pero hindi ko na ito tinapunan pa ng pansin. I was just too exhausted to answer their messages and calls. I was still traumatic from what happened to me last night. Idagdag mo pa ang nakita ko kagabi sa restroom ng mga babae sa club.

He was putting on her blouse quickly. She only has her brassiere on top. I laughed and shook my head. So they even made it inside the restroom, huh? Hindi ba sila makapag-antay?

Kaya pala ang tagal-tagal nilang bumalik sa table namin, malapit na lang akong magalaw ng foreigner, wala pa rin sila.

Hot tears escaped from my eyes. I bended my knees to hug it. I burried my face in it as the foreigner's face flashed through my mind again. Nakakaiyak, nakakainis, nakakadiri.

It was a foreign feeling for me. I shouldn't have just borrowed Odessa's clothes. Sana ay hindi na lang talaga ako sumama.

Hindi naman talaga ako sasama kung hindi lang ako inalok ni Odessa ng damit. But she has nothing to do with what I have experienced last night. Ako rin naman kasi ang kumagat sa alok niyang papahiramin niya ako ng damit niya. Wala siyang kasalanan.

I never hated clubs before not until last night happened. It was the worst nightmare in my whole life.

Bakit kaya may mga tao pang nabubuhay ng may kamanyakan sa katawan nila? Hindi ba nila naaalala na may pamilya sila? Isipin na lang sana nila na kung paano kung sa anak nila mangyari iyon? Matutuwa ba sila?

Pero siguro walang mga pamilya ang ilan sa kanila kaya malakas ang loob na manggalaw ng ibang tao. Or kung may pamilya man, kademonyohan na talaga ang nasa utak nila. Malala na sila at hindi nakukuntento sa kung anong mayroon sila.

"Adira," my thoughts were interrupted when someone knocked on my door. I quickly wiped the tears on my cheeks and checked myself in front of the mirror. Nang ayos na ay binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si Mama.

"Hinahanap ka ng kaibigan mo, Adira. Nasa baba."

I cleared my throat. "Sino po?"

"Si Morales ata 'yon," she tilted her head and eyed me curiously. "Umiyak ka ba?"

Umiling ako. "Sinisipon lang po kaya naluluha, 'Ma."

"Pataasin ko ba rito?"

"Papasok na lang po ako bukas, 'Ma. Pasabi na lang po na masama ang pakiramdam ko, bukas na lang po kami magkita..."

Tumango siya. "Sige. Inumin mo na lang 'yung mga gamot ha?"

"Opo."

Bumalik na ako sa kama ko at nag-isip na lang ulit. I licked my lip.

Itutulog ko na lang 'to.

(◍•ᴗ•◍)

I groaned when I woke up, feeling a little dizzy. Napahawak ako sa ulo ko dahil ang bigat nito.

May sakit ba ako?

I raised my hand to feel my neck and forehead. Halos mapaso ang kamay ko sa init ng balat ko.

Scars of the Past ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon