Wakas

606 13 26
                                    

Do you ever have a hard time confessing your feelings to someone who's so close to you? For example.. your dearest bestfriend?


Kasi ako, oo. Sobra pa sa sobra.

"Huy! Kinakausap kita! Tulala ka na naman diyan!"

Napakurap-kurap ako at napaayos ng upo nang pumitik siya sa harapan ko.

"Sorry, ano 'yon ulit?" napatingin ako sa dalawang bistida na hawak niya. Inangat niya iyon sa harapan ko at nagtanong.

"Alin kako ang mas maganda rito, itong puti o itong dilaw?" tanong niya habang nakakunot ang noo sa akin. Tumikhim ako at tumingin sa puting bestida.

Ikaw. Ikaw 'yung maganda.

"Itong puti."

Tumango siya at ngumiti. Ibinalik niya na ang dilaw na bestida bago ako hatakin papuntang counter para magbayad.

Bumagsak ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa akin. Parang bigla akong nanlamig sa kaba. Wala naman siyang ginagawa pero palaging akong pinagpapawisan at kinakabahan tuwing hahawakan niya ako o kakausapin. She just always have this effect on me. I can't pin point what it is but it's a torture but at the same time, it's kinda addicting. I always felt like i'm being overdose by several pills when she's with me.

Kapag ngumingiti siya sa akin at natatawa sa mga pinaggagagawa at sinasabi ko, hindi niya alam kung gaano ako kasaya na nagagawa kong pasayahin siya sa kahit maikling oras lamang.

Lahat ng lalaking nagkakagusto sa kaniya ay kaagad kong hinaharangan. I know that's too much pero hindi ko lang mapigilan. Paano kung 'yung isa sa kanila ay magustuhan ni Adira? Paano ako? Paano kami?

"Pare, bestfriend ka lang naman ni Adira, bakit ba palagi kang humaharang?" may bahid ng inis ang boses niya nang magtanong sa akin ang lalaking may gusto kay Adira. Parehas kaming Grade 9 pero sa lower section siya. Palagi ko siyang nakikitang tumitingin kay Adira kaya naman mas pinag-iigihan ko pa ang pagmamasid sa kanya dahil baka pumorma na lang 'to bigla kay Adira ng hindi ko nalalaman.

"Alam mong kagagaling niya lang sa relasyon, Pare. Baka masaktan mo lang din siya," sagot ko bago siya talikuran at pumunta na rin sa library kung nasaan ngayon si Adira.

Adira and her ex, Xyron, just broke up last week. Nakita ko kung paano masaktan si Adira noong mga araw na iyon. Walang araw siyang hindi umiyak dahil sa paghihiwalay nilang dalawa kaya naman palagi namin siyang sinasamahan ni Acer at inaayang kumain sa labas. Masakit mang isipin pero halata naman talagang minahal ni Adira si Xyron. And that jerk's just too stupid to even discard Adira away.

Bro, nasa kanya na ang lahat! Ano pa bang kulang?

But at the same time, kahit magmukha mang masama ay may parte pa rin sa akin ang masaya dahil sa wakas, single na ulit si Adira at wala ng relasyon sa kahit kanino ulit.

Should I make a move now?

Umiling ako at bumuntong-hininga.

No. Ayaw kong maging awkward kami pareho kung sakali mang.. hindi niya ako magustuhan pabalik.

Everything went by smoothly after that. The three of us was really getting along together well not until Acer asked me to have a talk with him. Nagtaka ako nang dumiretso siya sa gilid ng library pero kalaunan ay sinundan ko pa rin naman siya roon dahil mukhang seryoso ang pag-uusapan namin.

Scars of the Past ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon