Kabanata 6

258 12 2
                                    

I was humming a song as I ran down the stairs, early in the morning.

Nag-inat ako ng braso at luminga-linga sa buong sala. "Ma?"

Pumunta akong kusina at nakita siya roong naglu-luto ng agahan. Sinangag at hotdogs.

I smiled. "Morning, Ma."

Inilagay ko ang bag ko sa may tabing upuan at inayos ang pag-upo dahil kaka-plantsa ko lang ng palda ko kagabi, ayaw ko namang magusot agad ito umaga pa lang.

She looked at me. "Umalis na ang Tito Raphael mo."

Tumango lamang ako at sinuklay ang buhok. "Okay, good to hear that."

Rinig ko ang kanyang pag-buntong hininga bago ako tuluyang hinarap.

"Hindi ka ba marunong rumespeto sa mas nakatatanda sa iyo, Adira?" mariing tanong niya sa akin.

Sandali akong natigilan sa
tanong na iyon ni Mama at mukhang bad trip pa ata dahil sa sinabi ko kay Tito Raphael.

"Siguro sa mga magta-tangkang paltan si Papa, oo, Ma," my lips immediately formed into thin line as I mentioned my late father in front of her.

Pumikit ito ng mariin na para bang nagti-timpi lamang sa inaasal ko sa kanya ngayon.

"Sa ayaw at sa gusto mo, respetuhin mo ang Tito Raphael mo, Adira."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Tinitimbang ang kanyang ekspresyon. "So totoo po talaga, Ma? Papaltan na ng lalaking 'yon si Papa?" nanghi-hina kong tanong.

Kung 'yan lang naman ang tanong, pwes, hindi ako papayag na mangyari iyon. I only have one man in my life and my heart at si papa lang ang laman niyon. Wala ng iba pa. I'll not even try to open my heart just to let somebody take my father's place in it. No one.

Nameywang ito at mariin akong tiningnan. "Anong gusto mo, Adira? Mawalan tayo ng susuporta sa atin? Aba eh pasalamat ka pa nga at naghahanap ako ng ibang paraan para buhayin ka at 'yang pag-aaral mo," sagot ng ina na parang iyon na ang pinaka-magandang ginawa niya sa buhay niya.

I sighed and shut my eyes for a minute, not knowing what to do anymore with my Mom's decision.

Nang may pumasok sa isipan ay kaagad akong nag-tanong. "Sigurado ka ba na walang sabit 'yan, Ma? Ayaw kong maging kabit ka lang, Ma," mahina kong wika at hinihiling na sana'y ma-tauhan na siya habang maaga pa, mayroon mang mas naunang pamilya iyong Raphael o wala. Na sana maisip niya na sapat na kaming dalawa na lang sa buhay niya.

"Papayag ba naman ako na maging kabit lang ako, Adira? Aba'y siyempre hihiwalayan niya muna ang original niya!"

Napahilamos kaagad ako sa mukha gamit ang palad ko. Nahihibang na ba siya? Aabot siya hanggang dito para lang mabuhay kami?

Well, I can just do part time jobs right? Mas mabuti pa iyon kaysa pumatol sa lalaking pamilyado na! She can even ruin a family! Oh god!

"Mama naman!"

"Ano?!" singhal nito at nakakunot na ang noo.

"Bakit sa may asawa pa? Hindi mo ba nakikita? Makakasira ka ng pamilya, Ma!" sagot ko at napapikit ng mga mata sa pagka-dismaya.

"Eh sa hindi na gusto ni Raphael sa babaeng 'yon, anong magagawa ko, Adira?!"

"Then I'll just do part time jobs habang nag-aaral ako, Ma. Huwag ka lang pumatol sa Raphael na pamilyado na," I raised my last card at her, hoping that an angel will suddenly came up and convinced her to let me do it.

Please, I'm willing to do jobs just for you to be contented with only the both of us together, Mama.

Pagak itong natawa na para bang nahihibang na ako. "Ako'y pinaglololoko mo ba, Adira? Edi kung nag-trabaho ka, baka bumaba ang mga grado mo sa eskwelahan? Iyon ngang wala kang trabaho ay puro cellphone mo at hindi nag-aaral! Paano pa kaya kung mag-trabaho ka habang may eskwela? Ay jusko!"

Scars of the Past ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon