// Chapter 13 //

224 10 2
                                    

As a friend

Tumikhim ako at na-upo sa kama. He just dmed me on instagram! How should I calm down?!

"What should I answer? Baka ma-turn off siya sa'kin!" I talked to myself, still staring at the screen where maximous' dm was.

I bit my lip. Bahala na!

Me:


you're the guy on the
bus, right? Hi!

Bahagya akong nabigla ng makitang nagta-type kaagad siya ng reply niya. Agad kong ni-out ang conversation namin para 'di mahalatang interesado ako masiyado sa reply niya.

Lumipas ang isang minuto at nag-reply na siya.

Maximous:

i scrolled tru your feed,
you're really pretty :)

Me:

really? haha thanks!
u're handsome tho

Maximous:

thanks, adi!

btw, i wonder where's ur school at?

Ikiniling ko ang ulo ko at tinitigan saglit ang phone na hawak. Kalaunan ay sinend ko rin sa kanya kung saan ang school ko.

Maximous:

geez, good to know that
u're from that school

Bahagya akong nag-taka roon pero sinagot pa rin siya.

Me:

good? why? u have any
friends in our school?

Maximous:

yeah :)

Me:

oh. i see..

Umalis muli ako sa conversation namin at nag-scroll muna sa instagram. Tumingin ako sa orasan at nakitang alas kwatro na ng hapon. Hindi na tuloy ako nakatulog.

Tumunog ang phone ko sa pag-aakalang si Maximous iyon pero nang makitang si Acer ang nag-dm ay agad ko iyong tiningnan.

Acer:

let's eat outside?

Tumaas ang kilay ko sa dm niya. Nilalagnat ba siya? Anong nakain niya ngayon at naga-aya siyang lumabas para kumain?

Me:

saan mo dinala ang
kaibigan ko? wala akong
perang pang-tubos diyan,
'di po ako mayaman

Acer:

what?

Wow. So amerikano ba ang kidnapper ni Acer? Oh my god. 'Di ako prepared! Pagod pa ang braincells ko dahil sa fieldtrip!

Me:

no english, sir. i'm
only a pipino. sorry not
sorry, can't understand
wut u sayin' :(

Acer:

i just want to eat
outside why u so dramatic

Natawa ako roon at tumayo na sa kama ko para mag-palit ng damit. Alam kong libre 'to kaya sige, 'di ako tatamarin lumabas. Pasensiya na, Cads, 'di ako mahilig sa kuripot.

Nakipag-video call ako sa kanya.

He boredly answered the call and looked at me. "What's with the video call, Adi."

Scars of the Past ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon