Hindi katulad kahapon ng umaga, nagulat ako nang madatnan ang lalaki ni Mama na kumakain kasama niya pagka-baba ko mula sa kwarto.
I shut my eyes and inhaled a large amount of air. No Adi, hindi ka maba-badtrip agad. Agang-aga.
Bakit ang aga niya rito? Huwag mong sabihin na rito siya natulog kagabi? Aba, hindi ko alam na bahay ampunan na pala ang bahay namin?
"Ma, papasok na po ako.." paalam ko at aalis na sana nang pigilan niya ako.
"Hindi ka pa naga-agahan, Adira. Samahan mo kami rito ng Tito Raphael mo," aniya sa malumanay na boses.
Tatanggi na sana ako pero kumulo bigla ang tiyan ko. I sighed inwardly. Alam kong narinig nila iyon kaya wala na akong nagawa pa at pilit na kumain kasama nila. Sinigurado kong may ilang hakbang akong malayo kay Raphael na kasama namin sa lamesa. Ayaw ko siyang maramdaman o madikitan man lang ng balat ko.
Kumuha lang ako ng tinapay na may palamang nutella at binilisang inuman ang gatas hangga't sa makakaya ko.
"Magdahan-dahan ka sa pag-kain, Adira. Baka mabulunan ka, maaga pa naman para pumasok ka sa school," si Mama at binigyan pa ako ng tinapay na napalamanan na.
"Anong grade ka na ba, Adira?" ang mabilisan kong pag-kain ay bumagal ng marinig ang boses ni Raphael. I cleared my throat.
I shifted on my seat. "Ma, tinext nga po pala ako ng ka-groupmate ko sa research. Maaga kaming pinapa-punta sa school, mag-uusap kasi kaming lahat. Alis na po ako," paalam ko at tumayo na, hindi pinansin ang sinabi ng lalaki.
Bumuntong-hininga si Mama. "Kinakausap ka pa ng Tito mo, Adira. Kaunting respeto."
Tumawa ng bahagya ang lalaki. "Ayos lang, Ana. Naiintindihan ko naman-" agad ko itong pinutol.
Huminga akong malalim bago ako sumagot.
"Grade 9 na po, alis na po ako. Salamat."
Sinuot ko na ang paa ko sa sapatos at lumabas na ng bahay. Nilabas ko pa ang phone ko para abalahin na lang muna ang isip sa twitter pero natigilan ng may tumawag sa akin.
My eyes widened. "Cads?-"
Nabigla ako ng yakapin na lang ako nito pagka-kita ko sa kanya. Napalingon ako sa bahay namin at agad siyang pinunta sa gilid dahil baka makita kami at mapagkamalan pang mag-jowa. I wrapped my hands around him too and soothed his back with my hands.
"Huy, umagang-umaga anong problema mo? Bakit ka nandito?" taka kong tanong pero isiniksik niya lang ang mukha niya sa leeg ko.
He smelled so good in the morning, huh? Bago ang pabango niya.
Pero hindi naman ako pinupuntahan dito ni Cads sa bahay namin. Kung magsasabay man kami sa umaga papasok ng school, hihintayin niya lang ako sa malapit na sakayan ng jeep sa amin. Kaya ang nagyayari, dalawang sakay siya tuwing umaga para lang mag-sabay kami. Sinabihan ko na nga 'yan dati na pwede naman akong pumasok mag-isa pero nag-pumilit siya para raw may kasama siyang papasok kaya hinayaan ko na lang. Siya rin naman ang lalaki ang gastos sa pamasahe, 'e.
I laughed and hit his back. "Niyakap mo ba ako para maamoy ko 'yung bago mong pabango, Cads? Oo na, mabango ka na kaya humiwalay ka na sa'kin. Baka may makakita pa sa'tin dito!"
Pero hindi siya bumitaw o tumawa man lang kaya mukhang may problema siya.
I sighed and just let him hugged me for a few minutes more at baka nai-in love lang sa'kin kaya hahayaan ko na, nakakahiya naman baka ma-bitin eh.
"Huy, anong oras na ba-biyahe pa tayo oh.. tsaka hindi mo ako ni-text na sabay pala tayo! Buti na lang maaga akong nakalabas," sambit ko pero hindi pa rin siya umiimik at mas hinigpitan pa ang yakap sa'kin.
BINABASA MO ANG
Scars of the Past ✓
RomanceHASHI CADEZALA MORALES (CADS) [unedited] "We might have been scarred by the past, but always remember to think about the things that we have learned during the process.." Status: Completed ✓ Started: April 6, 2021 Ended: July 24, 2021