// Chapter 44 //

254 8 2
                                    

Connections

"Roseanne!" napalingon ako sa tawag sa akin at agad na napasimangot nang makita si Iyara na masayang palapit sa akin.

She clung her arm on mine and beamed widely. "Gumawa ka na kasi ng bagong account sa Facebook!" muling pilit niya at nag-squat pa habang hawak ang kamay ko, tila nagmamakaawa pa. I laughed and shook my head.

"Alam mo na naman na ayaw ko no'n, Iya. Tsaka hindi naman ako palagamit na ng kahit anong social media apps," sagot ko at hinatak siya patayo.

"Kapag hindi ka gumawa, hindi ko babasahin 'yang kwento mo!" banta niya pa kaya mas lalo akong natawa. Sumakay na kami ng jeep at nagbayad parehas para sa pamasa namin.

Pagkatapos sabihin kung saan kami dapat ibaba ay kinulit na naman niya ako.

"Okay, okay! Pag-iisipan ko.."

She squealed and hugged me. "Ia-add kita mamaya! Ita-tag kita sa mga picture natin!" aniya.

I sighed. "Bahala ka."

Nang makababa ng jeep ay mas nauna pa siya sa aking pumunta sa apartment at pumasok. Sinarado ko ang pinto at sumunod sa kanya sa loob.

Sa may apartment malapit sa school namin kami naninirahan ngayong kolehiyo. Isang buwan na lang ang natitira ay magtatapos na kami sa kolehiyo kaya naman halos hindi na rin kami magkausap sa loob ng apartment kahit na magkasama lang naman kami sa iisang bubong.

Napag-desisyunan kasi naming tumira nalang ng magkasama para hati na sa gastusin at bayarin. Tutal at malayo na rin naman ang bahay nila mula sa school namin kaya napapayag na rin niya ang mga magulang niya na tumira kasama ko. We have been already living here for about almost four years now. And in those years, it should be depressing and lonely but i'm so grateful that i met her, my dearest friend after the dark storm of my life.

She was always a bubbly person. Parang wala na ata sa kanyang malungkot na oras dahil palagi siyang nakangiti o nakatawa lalo na kapag nagkakaro'n kami ng oras para mag-kwentuhan ng kung ano-ano. Maliban na lang kung napapagalitan siya ng magulang niya kapag nalalamang nagi-inom at uuwing lasing na lasing sa apartment namin.

Well, I was always the one who's reporting them about Iyara's condition. Pero hindi naman lahat ay sinasabi ko sa mga magulang niya dahil siyempre, kaibigan pa rin bago ang iba.

Tuwing naga-aya siya ay ako na lang palagi ang nagiging bantay niya dahil hindi naman ako mahilig uminom. Hindi ko talaga kasi gusto ang mga lasa at nakakasuka.

"Wala pa bang update sa kwento mo? Happy ending ba 'yan?" tanong niya at humiga sa kama.

I sheepishly smiled and let out a laugh evilly. Napansin niya iyon kaya binato niya ako ng unan. "Roseanne! Ayusin mo 'yang buhay mo at huwag mong papatayin ang Jacob ko!" angal niya at nagdabog-dabog sa kama.

Mas lalo ako natawa habang nagpapalit ng damit pambahay sa banyo. "Pag-iisipan ko pa!" sigaw ko.

"Ha?! Roseanne!!" napatili ako nang bigla siyang pumasok sa banyo at sinamaan ako ng tingin. "Wala kang kwentang kaibigan! Nakakainis ka!!" sigaw niya.

Hindi na naman ako nailang dahil nakita na naman pareho ang mga sarili namin ng walang saplot na kahit ano. We even take a bath together! Noong una ay naiilang pa ako pero sabi niya sa akin ay wala lang naman daw iyon sa kanya kaya pumayag na ako. Hanggang sa nasanay na rin kami at parang kaswal na lang ang makita namin ng hubad ang mga sarili namin.

We have been almost 4 years as bestfriends! I think it's okay.

I laughed and raised both of my arms, showing her that i already surrendered. "Okay! Okay! Hindi ko na papatayin! Chill, Iya!"

Scars of the Past ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon