// Chapter 11 //

230 11 1
                                    

Jojowain

"Oy! Tayo nga kayo riyan!" tawag sa'min ni Romano na may dalang camera. Nagkatinginan kami ni Cads na may dalang mga pagkain bago sinunod ang kaklase.

Tumayo kami sa tapat ng isang naka-park na sasakyan na hagip ng mapanglaw na ilaw galing sa poste.

Madilim at malamig pa rito sa labas kung nasaan kami nagi-stop over kaya lumabas kaming pareho ni Cads sa bus ng naka-hoodie, 'yung grey hoodie na binili niya para sa'min. Ayaw ko pa ngang mag-suot dahil okay lang naman sa akin ang lamig pero pinilit niya ako dahil baka raw magka-sipon pa ako sa lamig kaya pumayag na lang din ako sa pilit niya.

"Bakit?" tanong ko kay Romano.

"Malamang, pi-picturan ko kayo!" aniya at ngumiti bago pumwesto sa harap namin, hawak-hawak ang camera niya. "Game, mag-pose na kayo!"

I smiled and did a peace sign, samantalang si Cads ay nakatayo lang sa tabi ko at nakangiti rin.

"Grabe naman! Akbayan mo naman, Cads, napaka-tuyot mo! Manok kita, tumilaok ka naman!" asar ni Romano sa katabi ko. I heard his deep chuckle before i felt his light arm around my shoulder. Bahagya akong nahiya at pinamulahan ng mukha.

"Yan, baina! Tapos, lumapit pa kayo! Hindi maga-adjust ang camera ko sa layo niyong dalawa! Jusko," tila nangse-sermon na nitong wika at napangiwi na lamang ako.

Nang matapos makuhanan ng ilang shots ay lumapit kami sa kanya at pabirong sinakal ni Cads si Romano. "Napaka-ingay mong lalaki ka, pag ikaw pina-tilaok ko rito.."

Romano gasped exaggerately. "Bata pa po ako, Sir. Wag po.."

"Loko ka, patingin nga!" kinuha ni Cads ang camera sa kaklase bago namin iyon tiningnan.

My lips parted in awe as I saw our different pictures together. It was stolen so good like a professional photographer kahit nakatayo lang siya sa harap namin. Naka-ganda pa ang lighting ng dilaw na ilaw ng poste sa gilid namin.

May isa pa sa picture namin na nakatingin sa akin si Cads habang ako'y nakatingin lang sa camera at nakangiti. My heart pounded so hard and my cheeks flushed more.
Tumikhim ako.

Umismid si Romano. "Taray, want ko rin ng friendship with jowable interaction, shuta."

"Send mo sa'min 'to, Romano ha? Sisirain ko 'tong camera mo 'pag hindi mo sinend," si Cads habang nakangiti at tinitingnan pa rin isa-isa ang pictures naming dalawa.

I just stared at him that time, seeing him smile like that because of our pictures can already make my heart melt. He's looking so adorable right now. At hindi tama 'yon dahil parang napupunta na sa kung saan ang nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw. Parang hindi na normal.

"Tama na 'yan! Hindi naman kayo mag-jowa ni Adira para ngumiti-ngiti ka diyan ng pagkatagal-tagal!"

"Teka lang, kukuhanan ko lang ng picture."

Kinuhaan niya nga isa-isa ang screen ng camera na may pictures namin bago ito ibalik kay Romano. Suminghal ito bago kami iniwan na roon.

May kinalikot pa siya sa phone niya bago ngumiti sa'kin. "Tara na sa bus."

(◍•ᴗ•◍)

"Okay, guys. Malapit na tayo sa Maynila, ayusin niyo na ang mga gamit niyo if may dadalhin kayo sa pagbaba.. una nating pupuntahan ang simbahan sa Intramuros at magmi-misa."

Binigyan naman kami ni Miss Dais ng tig-iisang puting sobre para ibigay mamaya sa simbahan, hindi ko alam if pipila pa ba kami papunta sa altar o ibibigay na lang namin sa mga matatandang may hawak na basket para doon ilagay ang mga offer.

Scars of the Past ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon