Kabanata 9

236 12 5
                                    

"Oh, nasaan na sina Cads?" takang tanong ni Ice at nilibot ang paningin sa buong sala na walang katao-tao.

Maging ako ay nangunot din ang noo nang makitang wala na ngang tao sa sala matapos kaming manood sa kwarto ni Ice.

"Hindi ba nag-text sa'yo, Adi?" tanong ni Sonic kaya agad kong kinuha ang phone sa palda ko at nakita ko nga roon ang message sa akin ni Cads thirty minutes ago.

Cads:

Eline already want me to drive her home, babalikan kita after ko siyang ihatid. Wait for me, okay? :))

Napabuntong-hininga ako.

"Taga-saan ba si Eline?" tanong ko sa kanila.

"Medyo malayo pa 'yon dito nakatira, Adi, 'e," sagot ni Niall.

"Bakit? Hinatid na ba ni Cads pauwi?" tumango ako nang tanungin ni Ice.

Tiningnan ko ang labas at medyo madilim na dahil alas sais imedya na ng gabi.

"Uh.. uuwi na ako, guys. Salamat, Ice!" paalam ko.

"Cads will not fetch you here?" tanong ni Ezekiel at umiling ako bago ngumiti.

"Babalikan daw ako kaso baka mamaya pa 'yon makabalik since sabi niyo medyo malayo pa rito 'yung bahay ni Eline. Kaya ko naman mag-commute," nag-kibit balikat ako sa kanila.

"Pero gabi na, baka maharang ka ng kung sino diyan, Adi. Hatid na lang kita sa inyo, sakto dala ko kotse ko diyan," offer ni Ice. Tiningnan ko ulit ang labas at nakakatakot ngang dumaan dito dahil may mga tambay at lasinggero na sa daan.

Huminga akong malalim at tumango. "Sige, salamat."

Liningon ni Ice sina Sonic. "Dito ba kayo matutulog o uuwi na rin kayo?"

Umiling si Niall. "Dito na ako matutulog since wala naman tayong pasok bukas."

"Ako rin," wika ni Sonic.

"Uuwi kami ni Ozen," si Ezekiel naman at nilabas na ang susi ng kotse niya.

"Yeah, alis na rin kami," lumakad na palabas si Ozen kasama ni Ezekiel bago ako tinapik ni Ozen sa balikat at tinanguan. "Bye, Adira."

"Sige.. bye. Ingat kayo," kumaway pa ako bago sila makapasok sa mga kotse nila. Kinuha ko na ang bag ko sa sofa at nilingon ang tatlo sa likod ko.

"Oh, iwan ko muna kayo diyan ha? Hatid ko lang 'tong si Adi sa kanila," paalam ni Ice bago ako iginiya palabas ng bahay.

"Bye, Adi!!" kumaway sa akin si Niall at Sonic na malawak na ngumiti sa akin.

"Baka kung saan mo dalhin si Adi, Ice, ha! Magkaka-bugbugan talaga tayo rito pagbalik mo!" banta ni Sonic sa lalaki at inangat ang kamao nito.

"Mabait ako, 'no! Hahatid ko lang naman talaga si Adira, wala ng iba!" sagot naman ni Ice at ngumiti lang sa akin.

Tinawanan ko lang ito at pumasok na kami sa sasakyan niya bago umandar na paalis sa harap ng bahay.

"Matagal na ba kayo ni Cads?" tanong sa akin ni Ice habang tutok ito sa pagma-maneho. Tumango ako at ngumiti.

"Oo, matagal na kaming mag-bestfriend."

Sumulyap ito sa akin. "Buti natagalan mo 'yon?"

I chuckled. "Hindi ko nga rin alam kung paano ko 'yon natiya-tiyagaan, 'e. Pero masaya naman siyang kasama," I smiled and looked on the outside of the window.

"I wonder if he's in a relationship with Eline?" agad akong napatikhim.

"Dapat nga ako ang mag-tanong niyan sa inyo, 'e. He never told me about the girl."

Scars of the Past ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon