"Oh, ba't nandito si.. Eline?" si Ice at humalakhak bago sumulyap sa akin.
Taka kong nilingon si Cads na hanggang ngayon ay mukhang gulat din sa pag-sulpot ng babae.
Sa pagkaka-alala ko wala sa mga babaeng naging girlfriend niya ang babaeng 'to.
Bago ba siya ni Cads?
"Bakit nandito ka, Eline? May nangyari ba?" si Cads at humiwalay sa yakap ng babae.
Ngumuso ito at pinaglaruan ang mga kamay niya. "I just missed you.." tumingala ito sa lalaki. "Don't you miss me too?"
I blinked and looked away from them, inabala na lang ang sarili sa pagkakalikot sa phone.
"Uh, huh? Bakit naman?"
The girl giggled. "Kailangan ba may rason para ma-miss kita? Tsaka bakit nandito ka kina Ice? Hi, Ice!" bati nito.
So, hindi pala ako ang unang dinala rito ni Cads? I cleared my throat inwardly.
"Hello, Eline. Pasok ka.." bati rin ni Ice bago isinalampak ang sarili sa tabi ko.
"Adi.. si Eline nga pala. Friend ko," nag-angat ako ng tingin kay Cads bago sumulyap sa babaeng nakatingin na rin sa akin habang nakangiti.
"Fling mo?" kaswal na tanong ng babae na siyang ikina-pantig ng tainga ko.
What the heck?! A fling? Mukha ba akong easy girl?! Agad na kumulo ang dugo ko sa kanya. Did she just insulted me?
Magandang ang katawan nito, may porselana at makinis na balat, matangkad, mukhang disente at matalino rin. Halatang mayaman ito base pa lang sa mga damit na suot at sa kakinisan ng kanyang balat. Parang alagang-alaga at hindi man lang nagagasgasan kahit kailan.
"Eline, watch your words," saway ni Cads at ilalabas na sana si Eline pero agad akong nag-pakilala.
Tipid akong ngumiti at inalok ang kamay ko. "Adi.." simpleng pakilala ko at tinanggap niya naman ang kamay ko para makipag-kamayan.
"Eline, his girlfriend," tila pagtatama nito sa sinabi ni Cads kanina na friend lamang siya nito. Napataas ang kilay ko.
Umiling si Cads sa akin. "No, Adi. Friend ko-"
Naputol siya ng sumipol sa tabi ko si Ice. "Tinik naman natin, 'tol. Ang pogi, ha?"
"Friend ko lang siya," hahatakin na sana niya ulit ang babae ng mag-pumilit naman itong ma-upo sa sofa na katapat lang namin.
I heard how Cads heaved a sigh and massaged his head.
Tumayo si Ice. "Labas muna ako, hihintayin ko sina Sonic, baka mag-pasok pa ng ibang babae, 'e," si Ice bago tumango sa akin at kumindat sabay labas ng bahay.
I cleared my throat. Biglang naging awkward ang paligid kaya nilabas ko na lang ulit ang phone at aabalahin na lang sana ang sarili roon ng mag-salita bigla si Eline.
Mataman itong nakatingin sa akin, tila tinatanya ang itsura ko. "Girlfriend mo rin ba siya, Cads?" sabay kiling ng kanyang ulo.
Sumulyap sa akin si Cads at marahang umiling. "Hindi, El. Bestfriend ko lang."
Tumango ang babae at ngumiti. "Mabuti naman, you can just stay as his fling if you really are. Basta ako pa rin ang girlfriend then that's good."
Cads face distorted. "Tss. You're not my girlfriend, Eline. Stop acting like one."
'Di ko na napigilan pang tumaas ang kilay at sumabat pero abala pa rin sa phone na hawak.
"Bakit? Makikipag-balikan ka ba?" tanong ko sa babae at ngumisi. Mas tinaasan ko pa ang kilay dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niyang 'mabuti naman' at 'stay as his fling'. Ang babaeng 'to! Dibdib lang naman ang laban sa'kin!
BINABASA MO ANG
Scars of the Past ✓
RomanceHASHI CADEZALA MORALES (CADS) [unedited] "We might have been scarred by the past, but always remember to think about the things that we have learned during the process.." Status: Completed ✓ Started: April 6, 2021 Ended: July 24, 2021