Kabanata 23
"Ano?! Nando'n siya?!"
Napangiwi ako sa lakas ng boses ng tatlo kong kaibigan nang sabay-sabay nila 'yong isigaw sa mukha ko.
"Oo nga. Paulit-ulit? Kailangang sumigaw?" Inirapan ko silang tatlo kapagkuwan ay sumandal sa inuupuan ko.
I already told them what happened last night that's why they're here to listen to me. Hindi naman kasi sila nakapunta sa party kagabi dahil busy din sila sa kani-kanilang pamilya.
Kaya naman ikinuwento ko talaga ang nangyari dahil deserve din naman nilang malaman. Kaso, parang ang OA naman yata ng reaksyon nila?
"How are you?" Mula sa malakas na boses ay naging masuyo ang pagtanong ni Mary sa akin na nakaupo sa couch dito sa kwarto ko.
My lips thinned before I shrugged. "I guess I'm fine?" I grimace before I sighed. "Honestly, I'm not. Matapos ko siyang makita, hindi ako nagdalawang isip na tumakbo palayo dahil ayoko siyang makita. Ayoko namang manatili nalang duon at saktan ang sarili ko, diba? Kayo ang saksi ko kung gaano ako nasaktan nang mga panahong 'yon."
"Pero ganyan kana lang ba?" Quizel asked. Dahilan para mapalingon ako sa kanya na nakakunot ang nuo.
"Anong ganyan?"
"Na panay ang takbo. Tumatalikod sa taong nanakit sayo." Saad niya habang matiim na nakatitig sa akin. "kung patuloy mo yang gagawin, sa tingin mo hindi mo masasaktan ang sarili mo? Kung patuloy mo siyang i-ignorahin, sa tingin mo mawawala yang sakit na pinaranas niya sayo? Kung patuloy mo siyang iiwasan, sa tingin mo ayos lang 'yon sayo?"
"I.." I bowed my head when I couldn't utter a single words because what Quizel said, it directly stabbed in my heart and I admit that she has a point.
"Sinaktan niya ako." I said like it was the answer of her statement.
"Naisip mo rin ba na nasaktan din siya?" Patuloy pa ni Raby na dahilan para mapaisip ako.
I can see hurt in his eyes before I leave him there. I can see that he's really hurt when I said those words to him. Pero sapat na ba 'yong rason para maniwala ako? Paano kung pinaglalaruan lang niya ako ng mga panahong 'yon?
"Bakit naman siya masasaktan sa ginawa niya?" I said grumpily before I stared at her. "Pinagkatiwalaan ko siya at siya ang kahuli-hulihang tao na naisip kong magagawa niya ang bagay na 'yon. Alam niyo kung bakit sobrang sakit?" Tiningnan ko sila isa-isa kapagkuwan ay napabuntong hininga. "Dahil mahal ko yung tao. Ang lalaking mahal ko ang gumawa ng bagay na kinatatakutan ko."
Natahimik silang tatlo sa sinabi ko ngunit nakatingin parin sila sa akin. Ang kanilang tingin ay naninimbang. Tila sila hindi makapaniwala sa sinabi ko pero iyon naman ang totoo.
"Huwag kang mabulag sa galit, Hanna." Saad bigla ni Quizel na may mapait na ngiti sa labi. "Dahil sa galit, pagkamuhi at sakit na nararamdaman ko noon, nagkamali ako ng akala. Bago ko pa man malaman ang totoo, huli na ang lahat dahil iniwan na niya ako." She sighed and stared at me. "kaya hangga't hindi pa huli ang lahat, kausapin mo siya kahit masakit. Malay mo, mali pala ang akala mo at dahil diyan sa galit na nararamdaman mo, tuluyan kana niyang iwan at hindi na babalikan."
My forehead creased when my heart contracted in pain on what she said. Nagtagis ang bagang ko at lihim na naikuyom ang mga kamay dahil bakit parang apektado ako sa sinabi niya?
Sa huli ay napabuntong hininga din ako dahil may punto siya. As what my Mom said, don't keep grudges on people. Kung ito lang ang paraan para magkaayos kami, gagawin ko. Pero nuncang pareho parin ang trato ko sa kanya katulad noon.
YOU ARE READING
The Fire Inside Her [UNEDITED]
Teen FictionHigh Class Series #3 -What is the best choice? Should I choose my family.. or my love?- Hanna Kyle Bandigan is a bitchy but a classy one. She's an independent women and she believe that she can do anything on her own. She believe that she can get an...