Kabanata 25

87 4 0
                                    

A/N: Five Chapters to go! Enjoy reading🥰

Kabanata 25

It's all starts with capital 'S'

What the actual fvck? Of all people, why does someone flashed in my mind when he replied that? I mean, yes. He's name starts with capital 'S' but.. it's impossible right? Imposibleng siya si userhandsome dahil hindi naman ulit siya magsisinungaling sa akin diba? He wants to cope up with me, and if he lied, it's still useless.

Pero naalala ko na minsan niyang sinabi sa akin na siya'y stalker pero hindi sa paraan na alam ko dahil ayaw niya ulit akong matakot katulad ng dati.

Wala sa sariling napatingin ako sa phone sa ibabaw ng lamesa. Is it really possible that, userhandsome and Steven is one? I heaved a deep breath, I only have one way to find it out.

"Marupok?"

My face crumpled upon hearing that endearment again. Sinamaan ko ng tingin si Mary pero prenteng nakaupo lang siya habang nakatingin sa akin, nang-aasar.

"Stop calling me that! I'm not marupok!"

"Ano pang tawag mo dito?" Ngumisi siya. "the deal is that you'll treat us if you admit that your 'marupok'. Sa tingin mo, nasaan tayo ngayon?"

Mas lalong napasimangot ang mukha ko sa sinabi niya habang ang dalawa ko namang mga kaibigan ay mahinang natawa sa itsura ko.

I rolled my eyes at them before I lean on my seat and sipped on my Milk tea. "Marupok na ba 'yong pinagbigyan ko ng pangalawang pagkakataon si Steven?"

"Sus. Inignora mo pa siya pero hindi ka naman pala nakatiis." Raby teased. "second chance ei?"

"Bakit ba kapag mahal mo ang isang tao nagiging marupok ka?" Kunot noong dagdag ni Quizel bago ko pa man nasagot si Raby.

"So, inaamin mo ring marupok ka?"

Quizel shook her head on what Mary have said. "Nope. Si Sonje ang marupok sa aming dalawa."

We all chuckled on what she said before she pouted and shook her head afterwards. Muli naman akong napasimangot nang balingan ako ng tingin ni Mary.

"What?" I asked, arching my brow. "bahala kang mag-isip ng kung ano-ano diyan. Basta ako, hindi ako marupok."

"Masyadong defensive." Sinundot pa niya ang pisngi ko dahilan para tapikin ko ang kanyang kamay pero tumawa lang siya. "sisiguraduhin kong mananalo ako sa pustahan."

I gasp and look at them. "Pinagpustahan niyo ako?!"

"Wag masyadong malakas ang boses please?" Quizel leered at me. "nakakahiyang pagtinginan. Isa pa, bente pesos lang ang pustahan namin. Wala kaming mga pera."

Hindi mapakapaniwalang tiningna ko silang tatlo kapagkuwan ay pagak na natawa at sarkastikong pinalakpakan sila.

"Nakakahiya naman sa inyo." Hindi ko alam kung mas matatawa pa ba ako sa nalaman. "Mga tagapagmana kayong tatlo pero bente pesos? At anong walang pera?! Baka gusto niyong ipaalala ko sa inyo na milyon-milyon ang laman ng credit cards niyo?"

They all groaned before they sipped on their milk tea. Napanganga lang ako, hindi makapaniwala kapagkuwan ay napailing at mabilis na kinuha ang milk tea para uminom. Pakiramdam ko saglit na namanhid ang ulo ko sa dami ng ininom ko.

"Anyway, ngayong binigyan mo na siya ng second chance, diba dapat magkasama kayo ngayon?" Tanong ni Raby kapagkuwan.

I once sipped on my milk tea before I answered her. "to be honest, he's been good to me and he's always doing his best to cope up with our situation. Alam niyo namang bumalik na siya sa pagtatrabaho sa kompanya namin kaya minsan busy siya. Pero kahit gano'n, hindi niya nakakalimutan na gumawi sa bahay at ipagluto ako ng agahan, pinapadalhan ng tanghalian at sinusundo sa'tuwing kakain kami ng dinner."

The Fire Inside Her [UNEDITED]Where stories live. Discover now