Chapter 22- Ikaw na Charity!

63 5 0
                                    

Charity’s POV

Uuuummmmm! Good morning Lord!

Masayang bati ko sa Kanya  pagkagising na pagkagising ko. Hindi muna agad ako bumangon at nagmuni-muni sandali.

Bigla akong napangiti. Bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi. Ang aminan moment namin ni Aizer.

Loooord! Siya na ba? Siya na po ba yung lalaking matagal ko ng ipinagdadasal sa inyo? Kasi kung siya na nga po, give me a sign please! A clear sign.

Piping dasal ko sa Kanya. Muli kong inalala ang mga nangyari kagabi. Hinatid ako pauwi ni Aizer sa bahay matapos kaming makapag-usap tungkol sa nararamdaman naming dalawa.

Actually, nararamdaman niya lang pala. Tahimik lang akong nakinig sa confessions niya about his feelings for me dahil syempre, dalagang pilipina pa rin ako. Hindi ko magawang sabihin sa kanya na may nararamdaman na rin naman ako sa kanya. Pero siguro mabuti na rin yun. Para alam ko kung sincere ba talaga siya sakin. Mas mabuti na sigurong hindi ko muna ipakitang may nararamdaman din ako para sa kanya para mas paghirapan niya ko.

Pakipot lang? sabat ng isip ko.

“ First time ko kaya!” depensa naman ng bibig ko. Napapangiting umiling-iling ako. Grabe! Simula nung sabihin ni Aizer na liligawan niya ko, hindi na matahimik ang isip ko. Actually, late na rin ako nakatulog kagabi kakaisip kung paano niya ko liligawan. Dahil iisipin ko pa lang na liligawan ako ng isang Aizer Buenafox, kinikilig na koooooooooo!!!

“Ahihi!” kinikilig na hagikgik ko.

Ano ba yan Charity! Wala pa ngang ginagawa eh kinikilig ka na! sita ko sa sarili ko.

Hindi ko talaga mapigilan eh.

Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko sa bedside table ko at tiningnan ko kung sino ang nag text.

From: Aizer

A morning text does not only mean good morning. It also means I think about you when I wake up.

Good morning pretty!                

Yung totoo? Text lang to pero bakit sobrang kinikilig ako? Ganito ba talaga pag nililigawan?

First time mo kasing maligawan! Sabat na naman ng isip ko.

Hinawakan ko ang phone ko at dinala sa dibdib ko habang iniisip kung dapat ko bang replyan ang text  nya. Pero hindi pa man nagtatagal, muling nag beep ang phone ko.

From: Aizer’

Can’t wait to see you later pretty!

Want to hold your hand. ;)

Muli na naman akong napangiti. Tumatambol ang puso ko dahil lang sa simpleng text message na ito.

Lord pwede po bang hindi na matanggal ang masarap na feeling na ‘to? Sana kinikilig na lang ako forever!:)

Muli kong binasa ang text niya at ninamnam. Hindi ko idedeny na sobrang napapangiti ako sa simpleng text message niyang ito.

Bumangon na ko at napagdesisyunang maligo para pumasok.

Ni-play ko ang cd player ko at pinatugtog ang kantang pampagood vibes ko sa umaga.

If you’re not the one then why does my soul feel glad today…

If you’re not the one then why does my hand fit yours this way…

Napapangiting kinuha ko na ang aking tuwalya at pumasok na sa loob ng banyo na ngiting-ngiti ang aking mga labi.

Can I Call You... MINE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon