Chapter 11- #WalaNgangSomething

79 7 0
                                    

“ Asan na ba yun? Alam ko nailagay ko dito sa loob yun eh,” kalkal ko sa loob ng sling bag ko. Nasa garden na kami ni Aizer ngayon at kasalukuyang inaantay niya ang sunod na gagawin ko.

“ What now Miss? Kahit anong gawin mong kalkal diyan sa maliit mong bag, kung wala naman diyan ang hinahanap mo, tigilan mo na ang pagkalkal,” naiirita ng sita sa akin ni Aizer.

Itinigil ko na nga ang pagkalkal sa sling bag ko at tumingin sa kanya.  Nababagot na tiningnan niya rin ako.

I gave him my sweet smile.

And he gave me a-what-now –look.

“ ummm…hindi ko pala nadala ang recorder ko. Pati yung set of question na nilagay ko sa papel, hindi ko rin nadala. Hehehe,” alanganing sabi ko.

“ What?! Ang lakas ng loob mong pumunta dito para manghingi ng interview tapos wala ka naman palang dala?” iritadong sagot niya.

“ Akala ko kasi naipasok ko na dito sa loob  ng bag ko kaya hindi ko na ni-double check ito kanina,” mahinang sabi ko.

Ang totoo, bigla talaga ko nalungkot at nakaramdam ng pagkapahiya. Oo nga naman, ang lakas-lakas ng loob kong sumugod dito, wala naman pala akong dalang bala. First time lang na nangyari ito sakin kaya naman bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkapahiya.

Niyuko ko ang ulo ko at tinitigan ko na lang ang sling bag ko. Baka sakaling matakpan nun ang pagkapahiyang nararamdaman ko.

“ Sorry,”mahinang sabi ko.

Nakita ko sa peripheral vision ko na iiling-iling na pinagmasdan ako ni Aizer.

“Whatever!” naiinis na sagot niya. Akmang tatayo na sana siya sa kanyang inuupuan ng may marinig kaming mga boses ng lalaki na papalapit sa gawi namin.

Sabay kaming napalingon dun.

“ Hey bro!” masiglang bati nung isang matangkad at medyo tisoy na lalaking nakapulang plain t-shirt at maong pants. May pagkakahawig ito kay Luis Manzano lalo na sa kagwapuhan. Parehas din ang hairstyle ng mga ito.

“ Dude!” sabi naman ng isang lalaking sa unang tingin pa lang mukha ng chick boy. Hindi rin ito pahuhuli sa kagwapuhan. Nakasuot naman ito ng statement shirt na “ I Loooooove Girls” at may nakaprint pang lips sa dulo niyon.

“ Miss us bro?” mula din sa isang gwapong lalaki na singkit ang mga mata na parang laging nakangiti.

Wow! Ayos ah! Bakit ang ga-gwapo nilang lahat? Yung totoo? Nabalitaan ba nila ang pagdating ko dito kaya nagsilabasan ang mga gwapo sa paligid?

At dahil nga na mesmerize ako sa kagwapuhan nila, hindi ko na namalayang nakalapit na pala sila. Si tisoy na kahawig ni Luis Manzano at si Singkit  ay umupo sa dalawang bakante pang upuan sa tabi namin ni Aizer. Samantalang itong mukhang chick boy na medyo gwapo ay pumwesto sa bandang likuran ko na parang nagpapa-cute.

“ Kaya pala hindi ka nagpapakita samin ah! May chicks ka pala,” sabi ni mukhang chick boy na hinawakan ang ang ilang hibla ng buhok ko sa likod.

Si tisoy naman ay humarap din sakin ng nakangiti. “ Girlfriend ka ni Aizer?” tanong niya.

“ Ay naku, hindi!” nahihiyang sagot ko.

“ Really Miss?” tanong naman ni singkit naparang hindi makapaniwala.

Naramdaman kong saglit na pinagmasdan nila ako. At waring nag-isip. Bakit ba lahat na lang ng side ni Aizer iniisip na girlfriend niya ko? Anong meron?

“ So kung hindi ka niya girlfriend,  may chance pa pala ko sayo,” singit naman ni chick boy na nasa likod ko pa rin. Nagpapa cute nga ang loko.

Can I Call You... MINE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon