Chapter 13- Interview na ba o Away muna?

61 6 0
                                    

Saktong paglabas namin ng Buenafox Building ay pumarada na ang magarang itim na sasakyan nito sa harap namin. Lumabas ang driver nito at binuksan ang harapan ng passenger seat. Isinakay ako doon ni Aizer. Naguguluhang sumunod na lang ako sa kanya. At ito naman ay umupo sa driver’s seat. Kaagad nito ni-start ang sasakyan.

“ Teka lang, saan tayo pupunta?” nagpapanic na tanong ko.

“ Somewhere,” simpleng sagot nito.

“ Saan yung somewhere mo? May klase pa ko!”

“ Tsss. Akala ko ba iinterview-in mo ko?”

“ Oo nga. Pero dito lang sa university!” natitilihang sagot ko.

“ Sorry Miss! Pero kung gusto mo ng interview ko dun tayo sa lugar na gusto ko,” sabi nito at pinaandar na ang sasakyan.

Taray! May nalalaman pa siyang ganun. Hmmmpf! Ang arte naman nito. San naman kaya nya ko dadalhin? Dahil wala na rin naman akong magagawa, sumandal na lang ako sa upuan at tumingin sa bintana. Siya naman ay nagfocus na sa pagdi-drive.

“ Wag ka masyadong magdididikit sa mga kaibigan ko lalo na kay Mark,” sabi niya maya-maya lang.

Nilingon ko siya. “ Bakit naman? Nakakatuwa nga sila eh!” nangingiting sabi ko.

“ Maloloko yung mga yun. Hindi ka dapat nagdididikit sa kanila,” naiiritang sagot niya.

“ Okay lang naman. Hindi naman sila nakakapikon eh lalo na si Mark,” kaswal na sagot ko.

Kasabay ng pagkasabi ko nun ay biglang prumeno ito ng malakas. Iginilid nito sa tabi ang sasakyan at inihinto.

“ Aray! Dahan-dahan naman!” reklamo ko.

“ Do you like Mark?” iritableng tanong nito. Hindi man lang nito pinansin ang reklamo ko.

“ Ha?” naguguluhan namang tanong ko rin.

“ Kung may gusto ka sa kaibigan ko…wala kang mapapala don!”

“ Ano bang pinagsasasabi mo? Wala kong gusto sa kaibigan mo. Kaya pwede ba wag mo kong paghinalaan ng kung ano-ano,” naiirita ng sagot ko.

Ayoko pa naman sa lahat yung ganon. Yung pinaghihinalaan ako sa isang bagay na hindi naman totoo. Paano na lang kung narinig yon ng kaibigan nya, nakakahiya!!! Pinagkrus ko ang mga braso ko at tumingin na lang sa labas ng bintana. Ayos din kasi ‘tong isa na to e. Nakakabadtrip!

Napansin yata nitong naaasar ako. Ramdam kong nakatingin siya sa akin at tinatantya ang inis na nararamdaman ko. Kapagkuwan ay bumuntong-hininga ito.

“ Fine! I just don’t want you to get  near them,” malumanay na sabi nito.

Dahil nga asar pa ko, hindi na lang ako kumibo. Akala yata nito huhuthutan ko mga kaibigan nito eh! Mukha ba kong huthutera? Nakakaasar!

 Pinandigan ko ang pagiging tahimik ko sa buong byahe.

Buenafox’s Residence

Bakit sa bahay nila niya ako dinala? Tanong ko sa sarili ko. Ayoko naman magtanong kasi nga naaasar pa ko sa kanya. Bumaba na lang ako ng sasakyan at hinihintay siyang maunang pumasok sa loob ng bahay.

Nilingon nya ko at sinenyasan na sundan ko siya. Walang kibo na sinundan ko lang siya hanggang sa makapasok na kami sa loob.

“ Hintayin mo na lang ako sa garden. I’ll just change,” sabi nito bago tinungo ang hagdan. Ako naman ay hindi pa rin kumikibo. Poker face lang ako sa kanya.

“ Charity!”

Nilingon ko yung tumawag sakin. Si Manang Sol pala.

“ Hello po manang!” nakangiting bati ko.

Can I Call You... MINE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon