Chapter 23 - Bestie's POV

39 5 0
                                    

Gladys' POV


As usual, dahil tapos na ang klase, tambay mode kami ngayon ni Charity dito sa Wordsmith. Buti na lang at patapos na ang  first sem kung kaya't medjo magaan na lang din ang Gawain naming dito sa department.


Me: Girl, masaya ka?

Nakangiti kong tanong sa kanya. Nakaupo kami sa may cubicle niya at mahinang nagchi-chikakahan.


Napapangiting tumango-tango siya sakin na obvious namang kinikilig.


Charity: Grabe gladz, ganito pala yung feeling no? Yung tipong pag nababanggit lang siya o kaya naman pag naiisip kong may something na sa'ming dalwa, o kaya kapag makita at madikit lang yung balat niya sa balat ko... sobra-sobra na yung kilig na nararamdaman kooooooo.

Impit nA sabi niya.


Me: O diba ang sarap sa feeliiiiiiiiing!!


Kinikilig ko ding sabi sa kanya.


Me: At infairness friend, halatang blooming ka! Bagay sayo!

Charity: talaga? Parang nung nakaraan lang pinoproblema pa natin to. Iniisip natin pareho kung paano ko magkakalablayf, ngayoooooon.... Eeeehhhh!!


Kinikilig na sabi niya. At ako naman ang nahahampas niya ngayon. Ang pag-ibig nga naman!


Charity: Huh! Siguradong pag nalaman ni Kuya Cham ang tungkol kay Aizer, kakainin niya lahat ng pang-aasar na sinabi niya sakin.

Me: At syempre natupad na rin ang secret wish mo. Magkakaboyfrieeeeeend ka na giiiiirl!!!

Me and Charity: Ayiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!


Impit na tili naming dalawa. Niyakap namin ang isa't isa because we just cannot contain the so much happiness that we feel inside.


" Oy kayong mag bestfriend, baka gusto niyo namang i-share yang masayang pinagkkwentuhan ninyo? At may payakap-yakap pa kayo,"  sabi ni Alex (boyfriend ko) na hindi ko namalayang nandito na pala sa tabi ko. Naghiwalay kami ni Charity sa pagkakayakap. Humila ito ng upuan at tumabi sa akin.


Charity: Wag ka nga Alex! Usapang pambababe lang 'to. Babae ka ba?" nang-aasar na tanong ni Charity dito pero nakangiti.


Close sila ng boyfriend ko dahil pare-pareho kaming writer dito sa Wordsmith. Kalog at madaldal naman itong si Alex kaya madaling nagkasundo ang dalawang ito.


Alex: Porket lumalablayp ka na ngayon, iniitsapwera mo na ko! Wag ganon!

Charity: At wag kang usisero!

Me: Oo nga naman Alex! Wag mo munang siraan ng kaligayahan ang bestfriend ko. Alam mo namang ngayon lang yan magkakalablayp.

Alex: Pasalamat ka Charity mahal ko 'tong bestfriend mo eh!


Sabay akbay sakin.


Alex: Pa kiss nga!

Can I Call You... MINE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon