Chapter 16~#UberConfidentAizer

69 8 2
                                    

“ Hi girl! Kamusta?” bati sakin ni Gladys na umupo sa tabi ng cubicle ko.

Nasa Wordsmith Department kami at kasalukuyang tumatambay lang.

“ Okay naman. Parang ang tagal din nating di nagkita ah! Hmmmpf!” sabi ko sa kanya sa tonong kunwari ay nagtatampo.

Umabrisyete sya sa braso ko at inihilig ang ulo sa balikat ko. “ Sorry na friend! Wag ka na magtampo. Maganda ka naman e!” panunuyo nya.

Napangisi ako sa sinabi nya. Ganyan talagang manuyo ang bestfriend ko kapag alam nyang nagtatampo na ko sa kanya. Ilang araw din kasi itong hindi nagpakita sa akin dahil busy raw sya sa university paper na ginagawa nya. Pero ang totoo busy lang talaga ito sa boyfriend nito na si Alex.  Katunayan ay panay ang date ng dalawa.

“ Ganyan ba talaga pag may boyfriend? Biglang kinakalimutan ang bestfriend?”  pangongonsensya ko pa dito lalo.

Inalis nito ang mga kamay na nakapulupot sa braso ko saka inilagay at ipinulupot naman sa bewang ko. Lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap sakin. “ Huy! Grabe ka naman friend. Hindi naman sa ganun! Pero sorry na talaga! Wag ka ng magtampo. Gusto mo libre kita ng ice cream?” panunuhol pa nito.

“ Ano ko bata? ” Naggagalit-galitan kong sabi. Hindi naman nya nakikita ang mukha ko kaya hindi nito alam na nagbibiro lang talaga ako. “ Wala ka ng time para sa akin!” dagdag ko pa.

“ Charity naman eh! Try mo rin kasing magka boyfriend para naman may iba ka ng kukulitin. Masaya yun friend!” sabi nito na iniangat na ang ulo at nakangiting tiningnan ako habang sabay nitong itinataas ang dalaway kilay nito.

Iningusan ko sya at mahinang binatukan ang noo nya.

“ Aray!” reklamo pa nya. Inalis na nya ang mga kamay nyang nakayakap sakin at hinawakan ang noo nya.

“ Dami mong alam. Para namang ang dali-dali lang makahanap ng boyfriend!” sabi ko sakanya.

Natawa sya ng pagak. “ Malay mo naman nandyan na pala yung magiging first boyfriend mo. Doubtful ka lang!” sabi nya na parang may ipinapahiwatig.

Kinunutan ko sya ng noo. Sino namang tinutukoy nito?

At parang nabasa nga nito ang iniisip ko.

“ Malay mo si Papa Aizer na ang maging first boyfriend mo!” panunudyo nito.

Akmang babatukan ko ulit sya pero mabilis nya iyong nasalag habang tumatawa.

“ O relax friend! Pangalan pa lang nya binabanggit ko, aggressive ka na eh!” sabi pa nito.

“ Isa pang asar mo sa kanya sakin!” pagbabanta ko sa kanya.

Pero dahil bestfriend ko sya, syempre hindi ko sya natinag.

“ Idedeny mo pa ba friend? E kayo ang bagong item dito sa university!” sabi pa nito. “ Narinig ko kay Alex na may mga sophomores na nakakita sa inyo na sinundo ka raw ni Aizer sa room nyo nung nakaraang araw,” may himig pang-aasar sa boses nito.

“ Sinundo nya ko kasi may interview sya sakin,” paliwanag ko naman.

“ E paano mo ipapaliwanag na may ilang university students din na nakakita sa inyo na magkasamang pumasok sa library habang nakaakbay sya sayo.”

Idedefend ko sana yun pero agad nya rin akong pinigilan sa pagsasalita. Nagpatuloy lang ito.

“ At ito pa, Alex saw Aizer buying your favourite merienda sa luncheonette at sabay pa kayong kumain doon. And most of all, I saw you and Aizer with my own two eyes na sumakay ka sa kotse nya kahapon,” tapos ay naningkit ang mga mata nito. “ Saan kayo nagpunta kahapon?” tanong pa nito.

Can I Call You... MINE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon