Chapter 4- The "NO" Encounter

86 10 0
                                    

Nandito ako ngayon sa Buenafox building kung saan nandito ang mga prestigious office ng prestigious university.  Dito lang naman matatagpuan ang prestigious people like the board of directors, the vice president and of course, the president. Ang faculty? Iba pa ang building nila. Astig noh?!

At dahil nga member ako ng Wordsmith Department madalas ako ditto. Kaya naman hindi na ko nahihiyang maglabas-masok sa building na ito. Actually, kilala na nga nila ko eh! Lalo na ng mga staff dito. At halos ka-close ko na rin sila.

At heto na nga, kasalukuyan akong nakikipag-usap kay Ms. Carol, ang secretary sa Office of the President para humingi ng appointment kay Aizer Buenafox.

“ Sige na naman Ms. Carol. Ngayon mo pa ba ‘ko tatanggihan?”

“ Charity hindi kita tinatanggihan. It’s just that talagang hindi siya magpapainterview sa’yo. He’s a very private person.”

“ Kahit na para din naman sa university nila ‘to? Sige na naman Ms. Caroool!” medyo  pina- cute ko ang mukha ko ng kaunti at nag beautiful eyes pa ko  ng mga 3 times, hoping na uubra ang charm ko ng biglang narinig ko na lang na bumukas ang pinto ng Office of the President.

“ Carol what’s happening here?”

Sabi ng very manly voice na narinig ko sa buong buhay ko. Sabay kaming napalingon ni Ms. Carol sa pinanggalingan ng manly voice na yun.

“ E kasi Aizer…”

Wow Aizer lang? Close ba sila? Pero teka, if this man standing  in front of me is the Aizer Buenafox that I’m dying to make an interview with, then I must say…tatabo nga kami sa takilya. Aba’y gwapo pala ‘to! Bakit parang wala namang nabanggit sakin si Gladys na ganito pala ‘to kagwapo e di sana hinalukay ko pa lalo ang profile ng lalaking ‘to! My! My! My! Ituturing ko bang swerte na ako ang magiinterview sa kanya? Hmmmm… @_________@

“ this young lady infront of me is asking me if she can make an interview with you for the university magazine,” pagpapatuloy ni Ms. Carol.

And right at this moment, parang gusto ko na yatang mahimatay. Pano ba namang hindi, sakin na ngayon nakatingin  ang pinakagwapong nilalang that I’ve ever seen in my whole life! And the moment he laid his eyes on me, parang biglang nag slide ang puso ko. It jumped for a second and then ayun na! Kumakabog ba ang dibdib ko?

Tiningnan niya muna ko mula ulo hanggang paa pagkatapos sa mga mata ko naman. Right there and then, he answered Ms. Carol with a big “ NO!” habang nakatingin sa mga mata ko.

And right there and then, feeling ko isa akong cartoon character na bigla na lang bumagsak sa sahig habang tabingi ang aking mukha na may sound effect pang “ Plang!” Muntik niya lang akong paasahin sa mga tingin niya.

Buti na lang mabilis akong naka-recover at nakapagsalita agad bago pa niya ko talikuran at isara ang pinto ng office.

“ Wait! This interview is for the university magazine. We just want to know some personal information, views and opinions of yours. Hindi naman namin masyadong kakalkalin ang personal life mo, if that’s what you want. We just want to get some informations that will inspire the campus students to study harder and make their life better.”

Huuu! Hiningal ako dun ah! At take note, straight English yun ah!

Pasimple kong pinunasan ang ilong ko to check na hindi ako nag nose bleed sa mga ka echosang pinagsasabi ko. I look at him once again, straight in the eyes, silently hoping that I can make him say yes.

But to my dismay, he simply said “ No!”

“ But…” and before I finish my sentence, sinarado na niya ang pinto. Ang bait no?! Kakaasar!

Tumingin ako kay Ms. Carol para manghingi ng tulong.

“ Anong problema nun Ms. Carol? May saltik ba yun? Interview lang, ayaw niyaaa?!!” Halos naghihisterikal kong litanya.

She just shrug her shoulder and smile. “ Sorry Charity! Ayaw ni boss eh.  Better luck next time na lang!”

“ Kala mo naman kung sinong gwapo yang amo mo. Interview lang, ayaw pa. Siya na nga pasisikatin, siya pa tumatanggi. Hmmpf!” asar kong sabi kay Ms. Carol.

“ Suko ka na kay boss?” She chuckled. “ Ang aga naman. Ni hindi pa nga pinapawisan yang kilikili mo eh!”

“ Huh! Syempre hindi.   This is not the end Ms. Carol. I swear to this table,” sabay hawak sa table niya,

 “ to this wall,” haplos doon, “ and to this pen of yours, I will make him say yes to this interview. For the sake of university magazine, I will fight! Fight! Fight!” sabay taas- baba ng magkabila kong kilay kay Ms. Carol.

Natawa siya sa ginawi ko. “ At ito lang ang masasabi ko Charity, good luck sa pagpapa-oo sa boss ko.”

“ Sisiw Ms. Carol! Sisiw!” medyo mayabang kong sagot J

“ Yan ang gusto ko sa’yo eh! Isang bagsak nga diyan!”

At ayun na nga! Nauwi sa hi-five ang paghingi ko sana ng schedule ng interview sa Aizer Buenafox na yun. Huh! Makikita ng Aizer na yan ang hinahanap niya.

Hindi kita titigilan. Mapapa-oo din kita! Wala pang tumatanggi ng interview kay Charity Buenavidez! Pagsisisihan mong minsan mo kong tinanggihan! Bwahahahhaha!

*___*

Can I Call You... MINE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon